^

PSN Showbiz

Kris nagkakasakit sa rami nang inaaway!

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
Kris nagkakasakit sa rami nang inaaway!

Bago pa siya atakihin ng allergy na naging dahilan para hindi niya maituloy ang shoot niya ng I Love You Ha­ter dahil kinaila­ngan niyang umuwi at magpahinga, hindi akalain ni Kris Aquino na sakit ang susunod na babanggain niya. Bunga ma­rahil ito ng stress na pinagda­daanan niya sa ginagawa niyang pakikipag-away sa kanyang ex at sa mga taong na­damay sa galit niya. Marami naman ang natuwa sa pan­samantalang pa­nanahimik niya pero, hindi ang maraming tagasubay­bay ng JosLia na nag-aalalang baka maapektuhan ng kanegahan niya ang movie nila.

Wala silang dapat ikatakot kung may hindi magandang epekto sa pelikula ang pinaggagagawa ni Kris, siya rin ang magdurusa.

Paintings ni Heart,  marami pang gustong bumili!

Talagang in-demand na ang paintings ni Love Marie Ongpauco-Escudero. Sold out lahat ng 21 paintings na itinanghal niya sa katatapos niyang In Full Bloom exhibit sa Ayala Museum.

Marami pa rin ang naghahanap pero, kinakailangang maghintay pa sila ng susunod na exhibit ng misis ni Sen. Chiz Escudero na siyang nagbigay muli ng inspirasyon para ituloy nito ang kanyang pagpipinta.

Next year pa ang susunod na exhibit ni Heart dahil hindi naman ganun kadali o kabilis na gumawa ng isang painting, lalo’t kinakailangan ng marami.

Hindi lang dito kundi pati sa abroad ay kinikilala na rin ang pagiging pintor ng aktres. Nakapagdaos na ito ng matagumpay na exhibit sa Singapore at Honolulu, Hawaii.

Darren mag-aartista  na rin

Hindi lang sa pagtangkad niya kinakikitaan ng malaking pagbabago si Darren Espanto, kung hindi maging sa talento. Kung dati ay sa pagkanta lamang siya maaasahan, ngayon ay kinakarir na rin niya ang pagsayaw. Hintayin niyo lang at baka pati pag-aartista ay pasukin na rin niya.

Nagwaging Miss Eco nakatikim ng panlalait

Matapos si Teresita (Winwyn) Marquez na ka­sa­lu­kuyang humahawak ng titulong Reina Hispanoamericana ay ang Miss Eco International 2018 na si Cynthia Thomalla naman ang tumatanggap ng panlalait ng marami niyang kababayan dahil ngayon lamang nila narinig ang beauty pa­geant na pinanalunan niya sa Cairo, Egypt. Parehong Regal Baby ang dalawang beauty queen na kapag nakatapos pa ng kanilang reign makagagawa ng pelikula sa kumpanya ni Mother Lily Monteverde.

vuukle comment

I LOVE YOU HA­TER

KRIS AQUINO

LOVE MARIE ONGPAUCO-ESCUDERO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with