^

PSN Showbiz

Daniel pakakasalan, pag-aartistahin sa ‘Pinas ang Polish gf!

PIK PAK BOOM - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Daniel pakakasalan, pag-aartistahin  sa �Pinas ang Polish gf!

Ayaw nang makatrabaho si Erich kahit kailan

PIK: Nagpasalamat si Mark Herras sa mana­ger niyang si Manay Lolit Solis dahil sa ipinost nito sa kanyang Instagram account na pinuri ang Kapuso actor sa pagtanggap ng character role na ginagampanan niya ngayon sa bagong serye ng GMA Telebabad na The Cure na magsisimula na ngayong gabi.

Bahagi ng post ni Manay Lolit tungkol kay Mark; “Now sa The Cure, suporta siya kila Jennylyn (Mercado) at Tom (Rod­riguez), character ang role niya at balita ko siya ang humi­ling nito dahil gusto nga niyang maiba naman character niya.

“Good na siya mismo ang nagkagusto na maiba ang role niya, at iyun ang gusto ko kay Mark may acceptance siya sa mga nangyayari sa career niya.”

Naniniwala si Manay Lolit na mas maganda para sa career ni Mark na subukan ang major support. Dito nga naman niya maipapakita ang malaking pagbabago at improvement sa acting niya.

Sana nga ay tanggapin daw si Mark sa bagong challenge sa kanyang acting career na maging major support sa dating leading lady.

PAK: Mas pinili ni Christian Bautista na huwag nang dumalo sa wedding noon nina Martin Spies at Rachelle Ann Go para hindi naman daw awkward na dumalo siya sa kasal ng ex-girlfriend.

Tinanong namin kung bakit.

Matagal nag-isip si Christian dahil hindi raw niya alam kung paano niya iyun sagutin. Pero sa tipid nyang sagot, na-gets naming umiwas na lang siyang magnakaw eksena dahil sabi nga ng handler niya, ayaw naman daw ng male balladeer na nakawan pa ng eksena ang groom na si Martin Spies. Saka may schedule naman daw si Christian sa araw na iyun.

“It’s okay naman eh…it’s gonna be awkward naman,” medyo naalangan pang sagot ni Christian.

“Pero nag-message naman kami, congratulations to each other.

“It’s a new life for her… new life for me. Pero friends pa rin naman,” dagdag na pahayag ni Christian.

Sinundan namin ng tanong kung inimbita ba siya ni Rachelle Ann; “Siya na lang tanungin nyo,” naka­ngiting sagot sa amin.

BOOM: Walong buwan pa lang ang relasyon nina Daniel Matsunaga at ng Polish model na si Karolina Pisarek pero napapag-usapan na pala nila ang mag-settle down at kung sakaling mang­yayari raw iyun, mas type daw niyang dito na sila manirahan.

“Of course we have plans na trying to be together.

“Here naman siyempre. I have everything here…my business, my career.

“It will be much easier here, because career is good, work is good.

“We want to be together probably here in the Philippines. She might want to work here,” pahayag ni Daniel.

Na-enjoy din daw kasi ni Karolina dito at baka mataypan din daw ng girlfiend niya na mag-showbiz dito, na hindi daw niya pipigilan.

“Of course. I don’t have to stop anybody. There’s no rules naman. I don’t put any rules like that in a relationship.

“It’s up to her if she wants to work. It will be great if she wants it here,” saad ni Daniel.

Seryoso siya sa current relationship na iniiwasan na nga niyang pag-usapan si Erich Gonzales bilang respeto na lang daw kay Karolina.

Pero humirit kami ng tanong kung bukas ba siya sa posibilidad na makatrabaho uli ang dating girlfriend?

“I would say I don’t.  I prefer this way. I guess we already worked together.

“I am professional in everything… to avoid na lang and to respect my present relationship,” deretsong sagot sa amin ni Daniel.

vuukle comment

DANIEL MATSUNAGA

MARK HERRAS

THE CURE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with