^

PSN Showbiz

Magandang aktres na umeepal sa taping, hinampas ng bag ng kaeksena!

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Nakakaaliw ang mga kumakalat na kuwento tungkol sa isang magandang aktres na medyo nagkakaedad na. Wala namang problema sa kanyang pag-arte ang kanyang mga katrabaho pero sa kanyang kaartehan ay meron.

Kung meron man daw may hawak ng korona sa pagiging maarte ay hawak niya ang setro at korona, siya ang nakaupo sa trono, dahil very consistent ang kanyang kaartehan.

Basahin natin ang kuwento ng isang production staff na nakatrabaho na ng magandang aktres, “Para kasing hindi lang pag-aartista ang gusto niya. Parang type din niyang maging director at scriptwriter.

 “Tamang binabasa talaga ng artista pati ang mga dialogues ng mga kaeksena niya para alam niya kung saan siya papasok. Tama naman ‘yun. Pero iba ang drama ni Ate Girl, talagang pinakikialaman niya pati ang mga dialogues ng kaeksena niya.

 “Di ba dapat, e, magko-concentrate lang siya sa mga sasabihin niya? Naku, hindi siya ganu’n! Talagang meron siyang say pati sa dialogues ng kapalitan niya ng mga lines!

 “Magtatanong pa siya sa staff, ‘Di ba, dapat, hindi ganu’n ang sasabihin niya dahil may lihim nga akong inggit at galit sa kanya sa story?’

 “Sa kagaganu’n niya, e, nainis na tuloy sa kanya ang kausap niya, ‘Darling, ang i-memorize mo na lang nang maigi, e, ang mga lines mo, huwag mo nang intindihin ang mga sasabihin ng kaeksena mo!’

 “Ay, hindi siya papayag sa basta ganu’n lang! Kailangang may logic daw ang pagpapalitan nila ng nga dialogues ng kaeksena niya. May mga friends daw siyang nakatutok sa serye nila, kaya paano kapag nagtanong sa kanya ang mga ‘yun, ano raw ang isasagot niya?

 “At gusto rin niyang maging director, ‘yun yata ang ambisyon niya! Pati sa mga eksenang kailangan silang magkasakitan ng kaeksena niya, nakikialam siya!

 “Sasabihin niya, ‘No, hindi dapat mahina lang ang sampal na ibibigay ko sa kanya, galit na galit ako sa story, di ba? So, it should be harder, malakas dapat!”

 “O, laban kayo sa hitadera na aktres na ‘yun? Kumustahin n’yo naman ang mga pagbibitiw niya ng dialogues, bakel siya nang bakel, pa-slang-slang kasi siyang magsalita, di ba?

 “Nakakaloka ang mga kadramahan ng babaeng ‘yun, ibang klase rin siya, kaya sa inis nu’ng minsan sa kanya ng kaeksena niya, e, ihinampas ng girl sa mukha niya ang bag na sadyang binitbit niya sa eksena kahit hindi naman kailangang may bag siya!” humahalak­hak na pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Pinangangalandakan ang pagiging mabuting ina Kris naghihintay ng ‘Mother of the Year’ award!

Maraming nagtataka at nawiwindang kung paano at saan kinukuha ni Kris Aquino ang oras para isa-isa niyang sagutin ang mga nagpo-post ng tanong-opinyon sa kanyang social media account.

At hindi naman yes or no lang ang kanyang sagot, kilometriko ang tugon niya sa mga nagtatanong, may nagagawa pa raw kayang iba ang aktres-TV host dahil sa pagkaabala niya sa social media?

Nagmamalasakit naman ang isang nakausap namin, ang kanyang sabi, “Baka sobrang kapos na sa tulog si Kris kaya ganyan ang takbo ng utak niya! Nagiging nega na siya. Kahit nga tayo, kapag kulang tayo sa tulog, mainitin ang ulo natin, di ba?”

Pagpansin naman ni SOS, isang silent critic ng mga artista, “Sobrang sinasaluduhan po namin ang dalawang giant networks sa strong message nila sa publiko na hindi dapat kinukunsinti ang artistang pasaway sa pagtatrabaho at sa pag-uugali.

 “Ginagawa silang role model ng public, kaya dapat lang silang parusahan at disiplinahin. Gamit na gamit niya si Bimby para resbakan si James Yap para lang ipakitang mabuti siyang ina dahil ‘yun na lang ang natitirang sawing grace niya.

 “Saving grace at redeeming factor niya ang pagiging mabuting ina kuno. Hinihintay na nga lang ng marami ang pagbibigay sa kanya ng award bilang Mother Of The Year.

 “Ang tagal-tagal namang dumating sa kanya ang award, kaya nananawagan na ang mga kababayan natin, ibigay na raw sa kanya agad-agad ang parangal na ‘yun!” madiing komento ni SOS.

Bidang-bida talaga sa social media si Kris Aquino, ang nakalulungkot lang, sa bawat sampung nagkokomento ay siyam ang ne­ga­ti­bong opinyon laban sa kanya.

vuukle comment

BIMBY

KRIS AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with