^

PSN Showbiz

Alden at Maine isasalang sa iba!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon
Alden at Maine  isasalang sa iba!
Maine at Alden

Kung walang intention ang mga namamahala sa respective showbiz career nina Alden Richards at Maine Mendoza na muling pagsamahin ang dalawa sa isang TV series at pelikula, dapat lang siguro na mabigyan na sila ng solo projects.

Si Alden ay nasa pamamahala ng GMA Artists Center habang si Maine ay nasa ilalim ng management ng Triple A Talent Management na siya ring nangangalaga sa career ng mister ni Dingdong Dantes na si Marian Rivera.

Maraming young female leading ladies sa bakuran ng GMA ang puwedeng makatrabaho ni Alden at ibang leading man naman para kay Maine. This way, pareho silang maggu-grow bilang solo performers.

Kung solid noon ang tambalan nina Nora Aunor at Tirso Cruz III bilang Guy and Pip, maraming beses na ipinareha si Guy (Nora) sa ibang leading men at ganundin naman si Pip sa ibang leading-lady.

Sa part ni Guy, she was paired with Christopher de Leon na kanyang napangasawa although nagkahiwalay din ang da­lawa, at itinambal din siya kina Manny de Leon, Victor Laurel, Sajid Khan, Bembol Roco at iba pa.

Sa tagal na walang pinagsasamahang bagong proyekto sina Alden at Maine, at hindi na-sustain ang kanilang pagiging phenomenal pair, tila tumamlay ang kanilang tambalan kaya dapat umisip na sila ng ibang option.

Balikang Carlo at Angelica, suportado ni JM

Hindi ikinakaila ng comebacking actor na si JM de Guzman na kaibigan niya ang aktres na si Angelica Panganiban at nagsimula ang kanilang friendship nang gawin nila ang hit indie movie na That Thing Called Tadhana in 2015 na dinirek ni Antoinette Jadaone pero wala umano siyang intention na ligawan ang kaibigan.

Nagpapasalamat si JM sa concern at suporta na ipinakita ni Angelica at ng iba pa niyang mga kaibigan. Aware din siyempre si JM na nariyan din ang isa pang malapit kay Angelica, ang ex-boyfriend nitong si Carlo Aquino at ayaw niyang makigulo kung anuman meron ngayon ang dalawa. Ang mahalaga ay hindi umano nagbabago ang pagkakaibigan nila ni Angelica hanggang ngayon.

Paul balat-sibuyas pagdating kay Barbie!

Mukhang nagiging palaaway sa pama­ma­gitan ng kanyang social media account ang Ka­pamilya young actor na si Paul Salas.  Una nitong inaway si Daniel Pa­dilla at ngayon naman ay gusto nitong awayin ang showbiz reporter na nagtanong sa kanyang girlfriend na si Barbie Imperial sa presscon ng bagong TV series nila ni JM de Guzman, ang Precious Hearts Romances Presents: Araw Gabi kung boto ba sa kanya (Barbie) ang parents ni Paul.

Parehong nasa showbiz sina Paul at Barbie at marami pang challenges ang pagda­daanan ng dalawa at dito masusubok kung gaano katatag ang kanilang relasyon.

Dapat hindi maging balat-sibuyas si Paul sa simpleng tanong sa kanyang girlfriend.

Sa halip na mag-react negatively, dapat ma­ging supportive at maging positibo ang pananaw ni Paul hindi lamang para sa kanyang girlfriend na si Barbie kundi lalo na sa kanyang sarili na may kailangan ding imahe na dapat pangalagaan.

Sa edad na 20, marami-rami pang laban at hamon ng showbiz ang kanyang kakaharapin.

Cristina at Alfred, bilib na bilib kay Sofia

Hindi ikinakaila ng 18-year-old recording ar­tist ng Viva Records, ang singer-composer na si Sofia Romualdez na malaking tulong sa kanyang singing career ang very supportive parents niyang sina dating Tacloban mayor Alfred Romualdez at kasalukuyang mayor ng siyudad na si Cristina `Kring-KringGonzales-Romualdez.

“My parents are my number one fans,” pahayag ni Sofia na kamakailan lamang nag-launch ng kanyang second single na pina­magatang Thinkin’ of U na siya rin mismo ang nag-compose.

“If not for my parents, I might not be able to realize my dreams,” dugtong pa niya.

vuukle comment

MAINE MENDOZA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with