^

PSN Showbiz

Boyet magaling na, lalarga na sa casino

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Boyet magaling na, lalarga  na sa casino

Magaling na nga si Christopher de Leon dahil may show na ang aktor kasama ang kaibigang si Tirso Cruz III this Saturday, April 28 sa Casino Filipino sa Manila Bay. Free show ito para sa mga maglalaro sa casino, kaya sa mga nag-alala kay Boyet sa nangyari sa kanya sa taping ng Kambal Karibal, go kayo sa show nila ni Pip para makitang magaling na talaga ang aktor.

Ang misis ni Tirso na si Lyn Cruz ang nag-post ng show ng asawa at ni Boyet at sa nabasa naming comments, may show din sina Tirso at Boyet sa ibang bansa sa September naman.

Sheryl kakandito raw konsehal ng Tondo

May mga kumukumbinse kay Sheryl Cruz na pumasok ng pulitika at tumakbong konsehal sa isang distrito sa Manila. Ito ang isa sa mga ibinalita ng aktres nang makausap ng mga reporter sa presscon ng musical rom-som series ng GMA 7 na My Guitar Princess.

Sabi ni Sheryl, pinag-iisipan pa niyang mabuti kung papasukin nga ang pulitika at magpapakum­binse sa kumakausap sa kanya. Inilagay niya sa 50-50 percent ang tsansa na pasukin ang pulitika at tumakbong konsehal.

Hindi raw magiging isyu ang residency dahil taga-Tondo ang mga Cruz at may bahay ang ama niyang si the late Ricky Belmonte roon. Sa sinabing ito ni Sheryl, parang papasok nga siya sa pulitika.

Habang hindi pa nakakapag-decide si Sheryl kung magkakaroon ng political career, sa showbiz muna ang focus niya at kasama nga sa My Guitar Princess bilang ina ni Julie Anne San Jose.

Sa direction ni Nick Olanka, magpa-pilot at My Guitar Princess sa May 7, bago mag-Eat Bulaga.

Dennis pinagsigawan ang pagmamahal kay Jennylyn!

Ang daming kinilig sa comment ni Dennis Trillo na “Ang ganda naman talaga ng mahal ko” sa photo na pinost ni Jennylyn Mercado na kuha sa fashion show ng Avon. Kahit hindi sumagot si Jennylyn sa BF at emoji lang na nakadila ang sagot, tuwang-tuwa ang fans ng dalawa.

Iba na raw si Dennis, hindi na nahihiyang ipakita na love niya si Jennylyn at pati sa interview tungkol sa relasyon nila, hindi na masyadong malihim. Sumasagot na ang aktor, pero hindi pa rin malaman kung bakit marami ang interesadong malaman ang tungkol sa relasyon nila ng GF. Hindi naman daw interesting ang buhay nilang dalawa na kinontra ng mga reporter na nakakausap nito.

Samantala, hindi nayabangan kay Dennis at walang negative feedback sa netizens nang i-post niyang panalo sa rating ang April 25 episode ng The One That Got Away. Sabi nga nito, “O ayan para balance, minsan kami naman ang panalo. Salamat sa inyong lahat na sumusubaybay.”

L.A. gagawan din ng pelikula

Nakinig kami sa kuwentuhan nina Joed Serrano, producer ng #Petmalu concert ni L.A. Santos at ilang reporters at desidido ang producer ng JEDI Productions na pagkatapos ng April 30, concert ni L.A. sa Music Museum, ilang guesting pa sa concert ang gagawin ni L.A. at gagawa na siya ng pelikula.

Ang naisip na title ni Joed at Tinamaan Ako (Will You Marry Me) na sina Maymay Entrata at Edward Barber ang mga bida. Ang role ni L.A. ay best friend ni Edward at pati mga eksena ng peli­kula, naisip na ni Joed.

Naniniwala ang producer na hindi lang sa pagkanta ang talent ni L.A., kaya rin nito ang umarte at sumikat na singer-actor at plus point na gwapo ang bagets.

Samantala, courtesy of Rey Pumaloy, may title na si L.A., ito raw ang Pop Idol and with his title, lalo itong gaganahang mag-perform sa kanyang first major concert. Ang magandang balita pa, 70 percent na raw ng tiket ang nabenta and hopefully, come April 30, sold out na ang tiket sa concert.

Jessica Soho hall of famer sa Reader’s Digest!

Hall of Famer na sa Reader’s Digest Most Trus­ted Brands Awards si Jessica Soho dahil sa nakaraang awards, muli siyang napiling Most Trusted TV Presenter for eight consecutive years.

Kaya next year, hindi na kasali sa mga pagpipiliian si Jessica.

vuukle comment

CHRISTOPHER DE LEON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with