^

PSN Showbiz

Anne apat na bansa pa ang dadayuhin para tumakbo

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon
Anne apat na bansa pa  ang dadayuhin para tumakbo
Erwan at Anne

Mukhang hindi nagkita sa 2018 London Marathon in London sina Anne Curtis at Beth Tamayo na parehong nag-participate sa nasabing event last Sunday.

Sina Anne at Beth ay parehong seryoso sa kanilang bagong sports na kinahihiligan, ang pagtakbo.

Si Beth ay kasalukuyang naka-base in San Francisco, California, USA habang si Anne ay may kinalaman sa kanyang pagiging UNICEF ambassador for the youth ang kanyang ginagawang pagsali sa mara­thon. Una sa New York, USA in 2016 at ngayong taon sa London Marathon. Ang apat pang bansa at lugar na sasalihan ni Anne ng marathon ay ang Tokyo, Berlin, Boston at Chicago, USA.

Ang number one supporter ni Anne sa kanyang pagsali sa marathon ay ang kanyang mister na si Erwan Heussaff.

Ysabel mas malapit sa step-father kesa kay Lito

Hindi kaya pinanghihinayangan ng dating action star at former senator na si Lito Lapid na hindi siya malapit sa kanyang magandang anak na si Ysabel Ortega, na kanyang anak sa singer-actress at ngayon ay misis ng police director na si Gen. Greg Pimentel na si Michelle Ortega?

Tulad ng kanyang mga magulang, si Ysabel ay pumalaot na rin sa mundo ng showbiz at regular siyang mapapanood sa bagong pang­hapong serye ng ABS-CBN, ang Precious Hearts Romances Presents: Araw Gabi na pi­nangungunahan nina JM de Guzman at ex-PBB housemate na si Barbie Imperial.

Inamin ng young actress na mas malapit umano siya sa kanyang step-father na si Gen. Pimentel kesa sa kanyang biological father na si Lito at hindi rin umano siya malapit sa kanyang half-siblings.

Karanasan ni direk Jun sa mga ‘raket’ hindi na bago

Hindi napigilan ng writer-filmmaker na si Jun Lana na ilabas ang kanyang hinanakit sa maraming artista na hindi professional sa kanilang trabaho dahil ginawa lamang ang paggawa ng pelikula bilang isa sa kanilang mga raket.

Hindi umano iniisip ng mga artistang ito ang damage sa produksyon sakaling umalis sila considering na meron nang cut off time ang mga ito kapag nagre-report sa set.

Ang experience na ito ni Direk Jun ay nararanasan din ng ibang director at produksyon na nagiging dahilan ng pagkakaantala ng kanilang ginagawang pelikula bukod pa sa additional cost kapag na-pack up o na-postpone ang shooting ng pelikula. Ang additional `raket’ ng ibang artista ay nakaka-apekto rin sa ibang artista who would report sa set on time and ready for the take.

Nakikiusap si Direk Jun na sana’y seryosohin ng ibang artista ang kanilang trabaho at huwag silang tumanggap ng ibang raket o trabaho kapag committed na sila sa shooting ng pelikula o taping ng anumang TV series.

vuukle comment

2018 LONDON MARATHON

ANNE CURTIS

ERWAN HEUSSAFF

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with