^

PSN Showbiz

JM nanghihingi pa rin ng tulong!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
JM nanghihingi pa rin ng tulong!
JM

Hindi raw kailan man sinisi ni JM de Guzman ang dating kasintahan na si Jessy Mendiola sa pagkakalulong niya sa droga noon. Matatandaang ang aktres ang huling naging kasintahan ni JM nang masangkot ang aktor sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot. “Hindi ko pwedeng sisisihin do’n eh. Kasi lahat naman ng tao nagdadaan sa kahit anong problema. Isinisisi ko lahat ng nangyari sa maling choices na ginawa ko to deal with my problems,” makahulugang bungad ni JM.

Matagal nang walang ko­mu­ni­kasyon ang aktor at si Jessy. Minsan na ring nagkita ang dating magkasintahan sa isang restaurant pero hindi sila nagkaroon ng pagkakataong makapag-usap.

Alam umano ni JM na masayang-masaya ang dalaga ngayon sa relasyon nito kay Luis Manzano at posibleng magpakasal na sa mga susunod na taon. Samantala, kahit nakabalik na sa trabaho si JM ay patuloy pa ring sumasailalim sa counseling ang aktor upang makaiwas at hindi na muling gumamit ng droga. “May support group po ako na hindi binibitawan. Kailangan ding maging humble enough pa rin ako to seek help. Kasi ang recovery naman po kasi hindi naman natatapos agad. It’s a life-long struggle or fight. Kung tumigil ako sa paghingi ng tulong o support, doon ako pwedeng madapa po ulit,” paliwanag ni JM.

Maricel nanermon sa paggamit ng social media

Mayroong social media account ang halos lahat ng artista pero wala raw sa plano ni Maricel Soriano na magbukas ng kahit isang account man lang.

Para sa Diamond Star ay pinagmumulan ang social media ng mga away kaya iniiwasan niya ang paggamit nito. “Ayoko ng mga gano’n. Sa edad kong kong ito, di ako rerespetuhin ng kausap ko? Baka masampal ko,” nakangiting pahayag ni Maricel. “I’m a mother of two boys and then I don’t like people talking to me that way. Respect is very important to me,” dagdag pa ng aktres.

Maraming mga tagahanga ni Maricel ang guma­gamit ng social media at pinagsabihan umano ng aktres na maging mabuti ang mga ito sa paggamit ng kanya-kanyang account. “Mga magulang n’yo, gusto n’yo bang makita ang mga magulang n’yo na bina­bastos ng ibang tao? Sabi nila, “Hindi po.’ ‘Yon naman pala eh, sabi ko matuto kayong rumespeto,” kwento ng aktres.

Ngayon ay pinaghahandaan na ni Maricel ang teleseryeng na pagbibidahan nila nina Angel Locsin, Ryza Cenon, Eula Valdez at Janice de Belen. Magsisimula na ang taping nito sa May 7.

vuukle comment

JM DE GUZMAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with