^

PSN Showbiz

Carlo at Angelica gustong matulad kina Gerald at Bea!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon
Carlo at Angelica gustong matulad kina Gerald at Bea!
Angelica at Carlo

Tuloy na nga ang balik-tambalan sa pelikula ng estranged sweethearts na sina Angeli­ca Panga­niban at Carlo Aquino na pamamahalaan ni Dan Villegas under Star Cinema.

Positibo naman ang mga tahanga nina Ange­lica at Carlo na muling magkakabalikan ang dala­wa lalo pa’t naroon pa rin naman ang kanilang respeto at pagmamahal sa isa’t isa bilang magkaibigan.

Inaasahan nila na matutulad sila sa kapalaran ng mag-ex na sina Gerald Anderson at Bea Alonzo na nagkabalikan lang din dahil sa movie.

Parehong single ngayon sina Angelica at Carlo kaya hindi imposible na muling maging sila and they still hang out with friends at kasama na rito ang kanilang recent trip sa Australia.

Aminado pareho sina Angelica at Carlo na mga bata pa sila nang sila’y maging mag-sweetheart. Mula noon ay pareho silang na-involved sa ibang partners na sa kalaunan ay sa hiwalayan din nauwi.

Kasal ni Zsa Zsa sa dyowa, inaabangan na

Fifty-three-year-old Zsa Zsa Padilla will be cele­brating her 35th year in showbiz sa pama­magitan ng isang major concert sa Newport Pefor­ming Arts Theater ng Resorts World Manila on May 11 (Friday), 17 days bago ang kanyang ika-54th birthday on May 28.  Pinamagatang The Best Day of My Life, magiging special guests ni Zsa Zsa sina Karylle at Zia Quizon kasama ang kanilang res­pective partners na sina Yael Yuzon at Robin Nievera.

Parang advance celebration na rin niya ito sa nalalapit na Mother’s Day.

Tulad ng ibang magulang, gusto na rin ni Zsa Zsa na magkaroon ng apo sa kanyang panganay na si Karylle at mister nitong si Yael na mahigit apat na taon nang kasal pero hanggang ngayon ay hindi pa rin nabibiyayaan ng anak.

Zsa Zsa is yet to marry her live-in partner, ang arkitektong si Conrad Onglao matapos silang magkabalikang-muli after several months of separation.

Matteo ayaw pa-pressure sa kasal kay Sarah

Kung tutuusin, napapagod at nakukulitan na rin ang triathlete, singer-actor and celebrity endorser na si Matteo Guidicelli (28) sa kakukulit sa kanya kung kailan niya papakasalan ang kanyang girlfriend of more than four years, ang Pop Princess na Sarah Geronimo.

While Matteo’s relationship with Sarah is getting stronger everyday, ayaw nitong magpa-pressure sa ibang tao kung kailan siya mag-aasawa. He will do it kung kailan siya handa ganun din si Sarah.

Sa ngayon kasi ay parehong busy sina Matteo at Sarah sa kanilang respective career.

May suspetsa ang marami na hihintayin ni Matteo na umabot siya ng 30 bago bumuo ng sarili niyang pamilya.

Matteo turned 28 last March 26.

Ramona at pamilya sa Japan na titira

Nasa bansa ngayon ang dating sexy star na si Ramona Revilla kasama ang kanyang American engineer husband na si Frederich Farrell at ang kanilang cute  four-year-old triplets na sina Fersiana, Freohsyl at Frederie.

Si Ramona at ang kanyang pamilya ay sa San Diego, California, USA na naka-base pero umuuwi sila ng Pilipinas once a year for a vacation. Pero bukod sa bakasyon ay magtutungo sila sa Japan kung saan nakatakdang ma-assign ang mister ng dating sexy star na isang naval engineer.

vuukle comment

ANGELI­CA PANGA­NIBAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with