^

PSN Showbiz

Kim at Ryan tinamaan sa lakas ng Avengers!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon
Kim at Ryan tinamaan sa lakas ng Avengers!
Kim at Ryan

PIK: Maingat si Timothy Tan sa mga sagot niya nang kinulit namin tungkol sa posibleng pagbabalikan nila ni Sunshine Dizon.

Bago pa ang 7th birthday ng anak nilang si Doreen, tinanong na namin si Timothy tungkol sa status nila ni Sunshine, pero ayaw niyang magsalita. Basta pinagkaabalahan lang daw nila ng asawa niya ang birthday celebration. Hindi na niya kami sinagot nang tinanong namin ulit kung inaayos na ba nila ang pagbabalikan alang-alang sa kanilang dalawang anak.

Si Sunshine na ang sumagot sa kanyang Instagram account nang ipinost nito nung kamakalawa ang mga kuha sa birthday party ng Doreen.

Bahagi ng mahabang post ng Kapuso actress; “To finally set the record straight. Timothy is and will always be the father of my children. It is his right, duty and obligation to be there for his children no matter what the circumstan­ces may be. I cannot out a label on our status but what I’m sure of is that by law I am still his wife. Only time can tell and ultimately God if we are still meant to be together. I have read different opinions but one thing is for sure to those who say things as if marriage is nothing. You are probably not married and do not value family. Let me just remind you that you are not the mother of two beautiful kids still hoping and praying for our family to be complete and stay that way.”

Base sa post na iyun ni Sunshine ay malaki ang tsansang magkakabalikan sila ni Timothy.

PAK: Sobrang lakas ng Avengers: Infinity War na nagbukas nung kamakalawa lang.

Ayon sa aming source, uma­bot ng 141M pesos ang kinita sa first day of showing nito. Kaya ang ibang sinehan ay nagbubukas na ng alas-otso ng umaga para ma-accommodate ang mga gustong manood.

Kaya naapektuhan ang mga pelikulang katapat pati ang mga nagbukas nung nakaraang linggo.

Kawawa nga ang Da One That Ghost Away ng Star Cinema na nabawasan ng mga sinehan.

Ayon sa aming source, 60 theaters na lang daw ang natira ngayon kaya ang tantiya raw nila, baka hindi na raw ito umabot sa 60M pesos.

Naka-45M lang daw kasi ang kinita nito sa first week.

Kaya nga nag-post ang isang involved sa produksyon ng pelikulang Single/Single nina Matteo Guidicelli at Shaina Magdayao na magsu-showing sa susunod na linggo. Sabi niya; “Please manood na kayo lahat ng Avengers. Kasi next week, Single/Single na. Baka mang-agaw pa kayo ng sinehan, 2nd week Marvel.”

BOOM: Halatang napuno na si direk Jun Lana base sa ipinost niya sa kanyang Instagram account kahapon kaugnay sa mga artista niya sa pelikulang Ang Babaeng Allergic sa Wifi.

Sabi ni direk Jun Lana; “Eto ang kalakaran sa showbiz: pumayag ka na sa cut-off at working hours limit, hihiritan ka pa kung puwedeng i-release agad ang alaga nila sa shoot dahil may ibang raket pa sila. Kung may katiting tayong professionalism sa mga katawan natin, mahihiya tayong sabihing raket lang ang paggawa ng pelikula. Kaso ganito kagarapal ang showbiz. Tapos nagtataka tayo kung bakit hindi kumikita ang mga pelikula natin ngayon? Mga pelikulang hindi naman talaga pinagbuhusan ng panahon at niraraket lang? Ang kakapal naman nating mag-demand sa audience na maglabas ng pera para sa mga pelikulang raket lang para sa atin.”

Wala pa kaming ideya kung sino ang tinutukoy ni direk Jun. Ang alam lang namin ilan sa mga artistang bahagi sa pelikulang ito ay sina Jameson Blake at Marco Gumabao.

vuukle comment

KIM CHIU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with