^

PSN Showbiz

Kim workout nang workout para lumiit ang puson

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Kim workout nang workout  para lumiit ang puson

Kahit abala sa mga trabaho ay sinisikap umano ni Kim Chiu na maging aktibo pa rin sa iba’t ibang sports. Kasama na talaga sa regular na ginagawa ni Kim ang pag-eehersisyo maging sa bahay man o sa labas.

 “Usually I do spinning sa house, I watch indoor spinning videos. I do indoor bike sa house namin and it really helps when you just put binders sa waist mo to add more sweat sa tummy areas which is really stubborn fats para sa lahat ng girls. I do pilates also and then I run sa treadmill 5 or 10 kilometers. Sometimes I run in U.P. 16 kilometers. And then lift weights, I do power circuit workouts. When I don’t have work I do three workouts like Muay Thai and boxing also. Kasi meron talaga akong puson and it’s really hard sa lahat ng girls lalo na ‘yung mahilig sa tsitsirya. I love chips,” pagbabahagi ni Kim.

May asthma ang aktres pero hindi raw ito nagiging hadlang upang gawin niya ang iba’t ibang physical activities. “I always bring my inhaler whenever I join races. So I always have that in my pocket or in my belt bag. So lagi siyang nandiyan. Tapos when I do physical activities, nasasanay na rin ‘yung lungs  mo eh and nag-e-expand na rin siya on its own. Now seldom na lang ‘yung attacks. My goal is to finish 15 to 21 kilometers and I want to get 15 to 20 duathlon medals,” nakangi­ting pahayag ni Kim.

Barbie nagpaliwanag sa away ng bf kina Daniel at Paul

Nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan nina Daniel Padilla at Paul Salas ilang buwan na ang nakalilipas. Dahil dito ay nagkabangayan sa social media ang mga tagahanga ng dalawang partido. Si Paul ay kasintahan ni Barbie Imperial na pinakabagong Kapamilya leading lady. Ayon kay Barbie ay hindi naman daw siya nadamay sa nasabing gulo. “Hindi po ako kasali do’n. I mean kung nagka-problem man sila, hindi po ako kasali at hindi po ako sinali ng KathNiel,” bungad ni Barbie.

Para sa dalaga ay nakapabor siya sa panig ni Paul dahil mas kilala niya ang aktor kaysa kay Daniel. “Oo naman. Kasi kilala ko naman si Paul as a person. Pero ang nakakatuwa po no’n kasi nasa La Luna (Sangre) po ako no’ng time na ‘yon. Si DJ (Daniel), si Kath (Kathryn Bernardo) never po nilang pinaramdam na may nangyaring gano’n. Sobrang okay po kami ng KathNiel. Kasi sa set nga po naglalaro kami ng Mobile Legends, kami-kami. So okay po, super okay,” kwento pa ni Barbie.

Nilinaw din ng aktres na walang kinalaman ang isyu sa pagitan nina Daniel at Paul ang pagkawala ng kanyang karakter sa La Luna Sangre noon. “Hindi po, kailangan na lang talagang patayin ang character,” giit ni Barbie.

vuukle comment

BARBIE IMPERIAL

KIM CHIU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with