^

PSN Showbiz

May edad na female personality at nakabalikang dyowa walang ginawa kundi maghalikan sa eroplano

UBOS - Cristy Fermin - Pilipino Star Ngayon

Nag-take off at nag-touchdown ang eroplano na palaging magkadikit at parang mga lovebirds na tukaan nang tukaan ang isang hindi na masyadong batang female persona­lity at ang kanyang karelasyon.

Nilalanggam sila sa kaswitan. Kinakabog ng kanilang mga paglalambingan ang mga bagets na mag­ka-loveteam ngayon. Meron naman silang mga sariling kamay pero nagsusubuan pa sila habang kumakain.

May mga naiinggit sa kanilang pagmamahalan dahil wala nga namang pinipiling panahon at edad ang paglalambingan. Pero siyempre’y may mga pumupuna rin sa kanila.

Kuwento ng isang source, “Nakasabay sila sa flight ng mga friends ko. Magkakatabi lang sila, kaya kitang-kita nila kung paano mag-PDA ang magkarelasyong ‘yun.

“Oo naman, sobra ang pagmamahalan nila, nagkahiwalay na nga sila nu’n, pero nagkabalikan pa sila, di ba? So, ipinag­laban talaga nila ang love na meron sila para sa bawat isa.

“Pero siyempre, hindi naman lahat ng mga nakakakita sa kanila, e, natutuwa. Para kasi silang hindi na mabubuhay kinabukasan, halikan sila nang halikan, palaging magkadikit ang mga katawan nila na para bang aagawan sila nang aagawan!

“‘Yung age siguro nila ang dahilan nu’n. Kasi nga naman, wrangler na ang lalaki, ang girl naman, e, hindi na rin naman bagets para gumalaw pa ng ganu’n!” natatawang kuwento ng aming impormante.

Sa pagbaba nila ng eroplano ay walang ipinagkaiba ang kanilang mga itsura. Palagi pa ring magkadikit ang dalawa, konting kilos lang nila ay nagmimistula na naman silang lovebirds sa pagtutukaan, kaya naloloka ang mga nakakakita sa kanila.

Balik-kuwento ng aming source, “Nu’ng one time, e, nakasabay rin pala ng mga kaibigan ko sa flight ang anak ng girl at ang husband niya. Feel mo ang love nila sa isa’t isa, pero hindi sila nagpi-PDA, napakasimple lang ng anak niya.

“Tapos, makikita nga naman nila ang mommy ng girl na parang hibang na hibang sa pagmamahal sa karelasyon niya, nagko-compare tuloy ang mga miron! At their age, ha? Nakakaloka nga namang makakita ng mga taong halikan nang halikan kahit maraming tao sa paligid nila!” napapailing na lang na pagtatapos ng aming source.

Ubos!

Kris nagmukhang bobo sa mga pinagsasabi!

Dahil sa sobrang pagpapadala sa kanyang galit ay hindi na naisip ni Kris Aquino na ang mga salitang binibitiwan niya ang mismong magdidiin sa kanya. Siya ang binabalikan ngayon ng publiko.

Du’n sa isinumbat niyang pagsuporta kay Mar Roxas dahil sa pakiusap ng kanyang kapatid na dating pangulo ang batong ipinupukol ngayon pabalik sa aktres-TV host.

Tama naman ang obserbasyon ng mas nakararami na ang pag-eendorso ng pulitiko ay parang pag-eendorso rin ng produkto sa merkado. Madalas nating mabasa at marinig ang linyang truth in advertising.

Pero dahil sa galit niya kay Korina Sanchez na tinawag lang niyang misis ni Mar Roxas ay nakaligtaang isiping mabuti ni Kris na ‘yun ang ipambabala ng mga kalaban sa kanya.

Sabi nga ni propesor, “Di ba, matalino si Kris? Di ba, what she wants, she always gets? Di ba, kapag ayaw niya, e, walang makapipilit sa kanya? Di ba, may sarili siyang decision?

“E, bakit siya pumayag na i-endorse si Mar Roxas kung hindi naman pala siya naniniwala du’n sa taong sinusuportahan niya? Wala namang magagawa ang kahit sino kung ayaw niya talagang gawin ang ipinagagawa sa kanya, di ba?

“Tapos ngayon, e, isinusumbat niya kay Korina ang ginawa niya nu’ng eleksiyon? Pumayag siya, sinuportahan niya si Mar Roxas, hindi na niya dapat isinumbat pa ‘yun dahil kitang-kita na puwede pala siyang mag-endorse ng taong labag naman sa kalooban niya!

“Sino ngayon ang nagmukhang nganga sa mga bira niya kay Korina? Mag-sorry man siya nang libong beses ngayon, ang nasabi niya, e, nasabi na niya!” inis na pahayag ni prop.

Hinay-hinay lang, huwag nagpapadala sa emosyon, dahil ang mga salitang nabitiwan na ay hindi na maaaring mabura pa.

vuukle comment

KRIS AQUINO

LOVEBIRDS

MAR ROXAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with