^

PSN Showbiz

Vina nagpatikim sa mas bata!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Vina nagpatikim sa mas bata!
Vina

Muling napapanood sa telebisyon si Vina Morales. Kasama ang aktres sa teleser­yeng Araw Gabi na pinagbibidahan nina JM de Guzman at Barbie Imperial. Ayon kay Vina ay ito na marahil ang pinaka-daring niyang nagawa sa isang soap opera. “I’m stressed because it’s a sensual love story. Mapapasabak ako dahil sa mga senswal na mga eksenang ganyan but I’m very excited because ‘yung role is very challenging. Ang daming pwedeng gawin, ang daming pwedeng paglaruan, ‘yung aking character from good to evil, from different types of mga eksena,” nakangiting bungad ni Vina.

Si Victor Silayan ang nakasama ng aktres sa maseselang eksenang nagawa. Labimpitong taon ang agwat ng edad ng dalawa kaya talaga namang nakaramdam umano ng pagkailang si Vina sa aktor. “My God, we did it already. Napasubo yata ako, ang daming sensual scenes with Victor, nakakakaba. It was awkward but it turned okay naman. Sa nakikita naman nila, there’s like a chemistry on screen and talagang hinahanap din ‘yun because of our characters and sa relationship naming dalawa,” pahayag ni Vina.

Pagkatapos makunan ang mga maseselang eksena ay tinatawanan na lamang daw ng aktres ang kanilang mga ginawa. “Actually we joke around. Nagtatawanan nga kami after the scenes kasi itinatawa na lang namin sa sobrang stressed at nerbiyos,” pagtatapos ng aktres.

Kim binukong nahirapang mag-memorize si Ryan

Patuloy pa ring pinipilahan sa mga sinehan ang pelikulang DOTGA (Da One That Ghost Away) na pinagbibidahan ni Kim Chiu. Masayang-masaya ang dalaga dahil sinuportahan ng mga manonood ang kanilang kauna-unahang pagtatambal ni Ryan Bang sa isang pelikula.

Para kay Kim ay magaling bilang isang komedyante ang Koreanong TV host. “Si Ryan, sobra siyang game sa kahit na ano. Kasi as in adlib kami, nagugulat na lang si direk eh. So parang wala sa script ‘yun minsan nasampal ko siya tapos go pa rin siya. Minsan natatawa na lang ako kasi wala pa ‘yon eh. Parang fun naman, game naman kasi hindi siya nagagalit,” kwento ni Kim.

Damang-dama umano ng aktres kung gaano kaseryoso si Ryan sa kanyang trabaho kaya talagang napahanga si Kim sa binata. “Si Ryan given naman na nakakatawa siya, pero dito sa movie na ito nakita ko ‘yung passion niya. Gusto niyang magpakita sa audience ‘yung kaya niyang ibigay. At saka seryoso siya dito ‘pag nagme-memorize siya nakatago siya sa isang sulok. Kasi nga nahihirapan siya mag-memorize kasi Koreano siya. So nando’n ‘yung kagustuhan niya na maging maganda ‘yung pelikulang ito,” pagbabahagi ni Kim.

vuukle comment

VINA MORALES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with