^

PSN Showbiz

Coleen at Billy dalawang beses naudlot sa lilipatang bahay

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Coleen at Billy dalawang beses  naudlot sa lilipatang bahay

Katatapos pa lamang magpakasal nina Coleen Garcia at Billy Crawford noong April 20. Masayang-masaya ang aktres dahil magkasama na sila ni Billy ngayon sa bagong bahay na kanilang sinimulang ipagawa noong isang taon.

“Actually matatapos na siya no’ng habang nasa Balesin kami.

“Naniniwala talaga ako na everything that’s been happening is God orchestrated. Especially the house kasi no’ng nalaman namin na hindi para sa amin ‘yung mga bahay. Gusto talaga namin na may bahay na after the wedding. We were looking for a house already and may nahanap na kami no’ng bagong engaged pa lang kami. When we got engaged, what we did first since mahabang engagement, it was more than a year. So we looked for a house na para maayos na rin ‘yun and then two times nangyari na we were about to sign the deal, biglang naudlot. So umabot na ngayon. I guess it’s all in God’s timing talaga,” nakangiting pahayag ni Coleen.

Maraming mga bagay na rin ang natutunan ng aktres mula nang magdesisyong magpakasal kay Billy. “Dati wala naman kaming pakialam sa finances ng isa’t isa. But then this was a really good practice for us as well. Maybe this is God’s way also of helping us learn, teaching us certain lessons din lahat we will need in the future. ‘Yung mga bahay na nakita namin before, we really gracefully let go of them and we prayed and prayed until we found this house which is so, so perfect for us. I can’t wait also to share how perfect this house is for us. Everything really happens for a reason,” paliwanag ni Coleen.

Marco tambak ang indecent proposals

Kapansin-pansin ang ma­gan­­dang pangangatawan ni Mar­co Gumabao ngayon.

Matatandaang chubby pa ang binata nang magsimula sa show business ilang taon na ang nakalilipas. Halos hindi raw makapaniwala si Marco na magagawa niyang mag-topless sa kanyang mga proyekto.

“Well no’ng una kinabahan ako. Parang ayaw ko makita ang sarili ko nang naka-topless doon (billboard). Pero I’m proud and happy na napili ako doon para ilagay sa Guadalupe,” bungad ni Marco. Nakatatanggap umano ang aktor ng mga indecent proposal sa social media. “Well, walang indecent proposal sa akin na straight up, nang harap-harapan pero sa social media, madami ako natatanggap na mga comments, message pero hindi ko na lang pinapansin,” pagtatapat ni Marco.

Sa dami ng natatanggap ng aktor na proposal sa social media ay natutunan na ring huwag na lamang pansinin ang mga ito. “They will know di ba ‘pag nabasa ko ‘yung message nila. So wala, deadma lang talaga,” giit ni Marco.

vuukle comment

BILLY CRAWFORD

COLEEN GARCIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with