^

PSN Showbiz

Edu, Vilma, at Sen. Ralph napagsama-sama ni Jessy!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Edu, Vilma, at Sen. Ralph  napagsama-sama ni Jessy!

Touching ang pagsasama-sama ni Edu Manzano at ng mag-asawang Ralph Recto at Vilma Santos sa surprise dinner na inihanda ni Jessy Mendiola para sa boyfriend nito na si Luis Manzano na nag-celebrate ng 37th birthday noong April 21.

Brilliant idea ang ginawa ni Jessy na sure na lalong minahal ni Luis. Ang gandang pagmasdan na magkakasama sa isang important occasion ang mga magulang ni Luis at ang stepfather niya, pati ang kanyang kapatid na si Ryan Christian na idol na idol siya.

Present din ang pamilya ni Jessy.

Sobrang ideal ang intriga-free na love affair nina Luis at Jessy kaya ang feeling ng fans, ang dalawa ang magkakatuluyan. Si Luis na rin ang nagsabi na hindi na ito bumabata kaya ready na siya na mag-asawa. Kung kailan, wait and see na lang tayo.

Solenn walang planong ipangalandakan pag nabuntis

Gusto nang magkaroon ni Solenn Heussaff ng anak pero hindi siya nagmamadali.

At kung sakaling magbuntis siya, tiniyak ni Solenn na hindi niya ibabandera sa social media as in malalaman na lang ng mga tao na six months pregnant na siya.

Type ko ang attitude ni Solenn kahit noong nagsisimula pa lamang siya sa showbiz. Walang kiyeme si Solenn, hindi maarte at cowboy na cowboy siya. Ibang-iba siya sa mga artista na famewhore dahil naka-post sa social media ang lahat ng mga kilos kesehodang walang kakuwenta-kuwenta.

Si Solenn ang leading lady ni Paolo Ballesteros sa My 2 Mommies, ang Mother’s Day presentation ng Regal Entertainment Inc. na mapapanood sa mga sinehan sa May 9.

Kakaibang pagkatao ni Paolo  tanggap ng anak

Bading na nagkaroon ng anak ang role ni Paolo Ballesteros sa My 2 Mommies. Sa tunay na buhay, may anak na babae si Paolo na pagkaganda-ganda at nag-aaral sa Baguio City.

Open book sa publiko ang life story ni Paolo kaya madali sa kanya ang magkuwento tungkol sa personal life niya.

Ex-girlfriend ni Paolo ang ina ng bata. Naghiwalay sila, nagkita sa New York, may nangyari and the rest is history.

Matagal nang hiwalay si Paolo at ang ina ng bagets pero may communication sila at magkaibigan. Co-parenting sila sa kanilang anak na tanggap ang pagkatao ni Paolo. Hindi na nagtatanong ang bata kapag nakikita nito ang mga make up, gown, at high heel shoes na ginagamit ng tatay niya sa mga raket.

Diva mas napapanood kesa kay Steven

Five years ago na ang nakalilipas nang hiwalayan ni Steven Silva si Diva Montelaba pero marami pa rin ang nakikisimpatiya sa aktres dahil ito ang iniwan ng ex-boyfriend niya.

Naka-move on na si Diva dahil nakakapagkuwento na ito tungkol sa walang dahilan na pakikipaghiwalay sa kanya ni Steven kaya na-trauma siya. Matagal bago tumanggap si Diva ng manliligaw dahil na-trauma siya sa experience niya kay Steven na grand winner ng Starstruck V pero hindi na nararamdaman ang presence sa showbiz.

Unlike Diva na good karma kaya hindi nawawalan ng mga project sa GMA 7. Mapapanood si Diva bilang atribidang vlogger sa The Cure, ang primetime teleserye ng GMA 7 na mapapanood simula sa April 30.

vuukle comment

EDU MANZANO

JESSY MENDIOLA

LUIS MANZANO

VILMA SANTOS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with