^

PSN Showbiz

Julia nahihiya sa mga kuwento ni Kris!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Julia nahihiya sa mga kuwento ni Kris!

Noong Biyernes ay ginanap ang story conference para sa pelikulang I Love You, Hater na pagbibidahan nina Julia Barretto, Joshua Garcia at Kris Aquino.

Ayon kay Julia ay nagpatulong pa siya kay Erich Gonzales upang makumbinsi ang Queen of All Media na tanggapin ang bagong proyekto.

“Nag-effort talaga ako. When I heard the story, when I heard that they wanted Miss Kris to take it, I texted Erich right away. Sabi ko, ‘Please help me na.’ Hindi ko na nga sinabi sa Star (Cinema) eh. Dumiretso na lang din ako. We really want to work with her for this one,” kwento ni Julia.

Isang malaking karangalan umano para sa aktres na nabigyan sila ng pagkakataon ni Joshua na makatrabaho si Kris. “Very blessed kami ni Joshua. We have been given the opportunity to work again with another icon as you would say. I actually got excited especially when I saw the treatment. I couldn’t see anybody else doing her part, her role. It’s something to look forward to. It fits her so perfectly,” nakangiting pahayag ni Julia. Samantala, aminado naman si Joshua na nakararamdam siya ng hiya nang makita at nakasama si Kris. “Masaya lang din ako na makakapagpelikula ulit ako at may makakasama na naman kaming icon. Nahihiya ako kasi noong nagsalita siya, sinasabi niya lahat ng mga endorsement niya at achievements niya sa buhay. Ang inspiring niya pero nakakahiya din,” maikling pahayag ni Joshua.

Mark hindi pa kayang pakasalan si Winwyn

Muling pumutok ang isyu tungkol sa maselang video diumano ni Mark Herras. Hindi na nagulat ang aktor dahil mahigit isang dekada na raw ang nakalilipas nang unang lumabas ang kontrobersyal na video.

Nakikiusap si Mark na huwag na dapat isangkot sa isyu ang kasintahang si Winwyn Marquez.

Ikinagalit umano ni Winwyn nang pumutok ang balitang ito tungkol sa aktor. “Siyempre nagalit siya and then nag-worry. Kasi hindi nga magandang isyu. Pero sabi ko sa kanya it’s an old issue kaya ‘wag na lang naming pansinin, ‘wag na naming patulan. Naapektuhan siya na naiinis siya kasi nadadamay siya. Huwag na lang isama si Winwyn sa isyu na ito,” pagtatapat ni Mark.

Dalawang taon nang kasintahan ng binata ang anak nina Alma Moreno at Joey Marquez at sa ngayon ay hindi pa naiisipang magpakasal. “After niyang manalo (Reina Hispanoamericana 2017), ‘yon ‘yung alam ko at ini-expect ko na magiging busy siya with work. Ang daming opportunities na dumating. So doon muna siya mag-focus. Ako naman nagtatrabaho din naman ako, nag-iipon din naman. ‘Yung kasal kasi hindi pa kayang agad-agad. Saka hindi kami nagmamadali ni Wyn,” giit ng aktor.   

vuukle comment

JOSHUA GARCIA

JULIA BARRETTO

KRIS AQUINO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with