^

PSN Showbiz

Janella pinipilit maging close sa ama!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon
Janella pinipilit  maging close sa ama!

Natutuwa ang young singer-actor na si Elmo Magalona na nakilala na rin niya ang ama ng kanyang rumored girlfriend at ka-loveteam na si Janella Salvador, ang dating lead vocalist ng rock band na Rage Band na si Juan Miguel Salvador.

Nakikita ni Elmo ang pagnanais ni Janella na maging close sa kanyang estranged dad lalo pa’t lumaki siya na malayo sa ama at lumaki siya (Janella) sa kanyang ina, ang singer-actress na si Jenine Desiderio.

Paolo sunud-sunod ang suwerte

Taong 2016 ang maitururing na most memorable year para sa TV host-actor na si Paolo Ballesteros nang dumating sa kanya ang kanyang first lead role na Die Beautiful na dinirek ni Jun Lana at siyang nagpabago ng takbo ng kanyang career. Ang nasabing pelikula ay nakapagbigay sa kanya ng maraming parangal at kasama na rito ang kanyang kauna-unahang international award bilang Best Actor sa ika-29th Tokyo International Film Festival na sinundan ng ika-21 International Film Festival of Kerala bilang Best Jury Award for Outstanding Performance for the same movie. Ang Die Beautiful din ang nagbigay sa kanya ng Best Actor mula sa ika-42 Metro Manila Film Festival na sinundan pa ng iba’t ibang award giving bodies tulad ng Gawad Urian, Film Development Council of the Philippines, Gawad ANAK, Gawad Tanglaw, Guild of Educators, Mentors and Students, Gawad Bedista Awards, 9th Ani ng Dangal Awards, 48th GMMSF Box Office Award, 5th Paragala Central Luzon Media Awards at ang 1st Eddy’s Awards (Entertainment Editor’s Choice Awards for Mo-vies) at iba pang awards.

Ngayong 2018 ay naipalabas na ang pelikulang Amnesia Love ng Viva Films at kasunod na rito ang Mother’s Day presentation ng Regal Films, ang My 2 Mommies na pinagtatambalan nila ni Solenn Heussaff mula sa direksiyon ni Eric Quizon at kung saan naman ipinapakilala ang bagong child actor, ang 8-year-old na si Marcus Cabais kasama sina Joem Bascon, Dianne Medina, Mitch Ligayu at iba pa.

Jasmine steady lang sa mayamang BF

Natutuwa ang nakababatang kapatid ni Anne Curtis na si Jasmine Curtis-Smith sa mainit na pagtanggap sa kanya ng Kapuso Network.

Looking forward si Jasmine na makatrabaho ang mga Kapuso artists.

While she looks forward to work with her elder sister na si Anne, mangyayari lamang umano ito kung pelikula ang kanilang pagsasamahan dahil nasa magkaibang TV network sila – si Anne sa Kapamilya Network habang Kapuso naman ngayon si Jasmine.

Jasmine is going steady with a non-showbiz guy na si Jeff Ortega na mula sa isang prominenteng pamilya sa North habang ang kanyang ex-boyfriend na si Sam Concepcion ay ang bunso nina Gary Valenciano at Angeli Pangilinan-Valenciano na si Kiana Valenciano ang girlfriend ngayon.

vuukle comment

ELMO MAGALONA

JANELLA SALVADOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with