^

PSN Showbiz

Jennylyn gumagastos sa alahas!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Jennylyn gumagastos sa alahas!
Jennylyn

May bulung-bulungan na malapit na diumanong magpakasal sina Jennylyn Mercado at kasintahang si Dennis Trillo.

Nagsimulang pumutok ang balita tungkol dito nang mag-post ang aktor sa Instagram ng dalawang kamay ng isang babae at isang lalaki kung saan mapapansing naka-engagement ring diumano ang babae. Agad namang nagbigay ng reaksyon si Jennylyn tungkol dito. “Hindi ba ‘pag engagement ring, isang bato, tama ba ako? Akin ito ‘no! hindi ba ako pwedeng bumili nito?” natatawang pahayag ni Jennylyn.

Ayon sa aktres ay hindi pa nila napag-uusapan ni Dennis ang tungkol sa paglagay sa tahimik. “Alam po naming pareho, wala pa sa plano ko ‘yan, wala pa. Hindi ko po alam. Marami pa akong gustong tahakin. Wala pa, wala pa,” giit ni Jennylyn.

Teacher Georcelle may malaking challenge sa binuksang dance center

Bukas ay magsisimula na sa G-Force Dance Center sa Alabang ang G-Force Project 2018 Summer Dance Workshop sa pangunguna ni Teacher Georcelle Dapat-Sy. Hinihikayat ng Founder at Managing Director ng G-Force ang lahat ng mga kabataang may hilig sa pagsasayaw na dumalo sa dance classes. “Our schedules for kids, 10:30 a.m. to 12 noon-Me and My Little Force for 3 to 5 years old, 12:30 to 1:30 p.m.-Junior Class 1 for 5 to 7 years old, 1:30 to 3 p.m.-Senior Class 1 for 8 to 11 years old, 3 to 4:30 p.m.-Junior Class 2 for 5 to 7 years old and 4:30 to 6 p.m.-Senior Class 2 for 8 to 11 years old,” pagdedetalye ni Teacher Georcelle.

Ayon kay T.G. (palayaw ni Teacher Georcelle) ay pinili niyang ilagay sa Festival Mall ang bagong dance studio para sa buong pamilya ng mga kababayan nating nakatira sa South. “Nag-open tayo sa Alabang because there’s really a demand from the people from the South. It’s really challenging for them to come to Quezon City (Tomas Morato branch). Mall is the best location. For us to always position our studio, our dance center in a mall, kasi nagiging parang one stop shop. For the parents, kailangan meron silang pupuntahan, sa mga parents na naghahatid. Our students hindi lang isang oras ang pagsi-stay sa G-Force Dance Center dahil marami silang tini-take na classes. So sometimes meron kaming students na parang day care center na. Parang tambayan na kami ng mga estudyante, ng mga teenagers, diyan sila nagkaklase. Imagine, five classes in a day, ganyan ako lumaki and I really want to give them back,” paliwanag ni Teacher Georcelle.

Nakararanas ng challenge ngayon ang buong G-Force dahil nahahati na ang oras nila sa pagtuturo sa Quezon City at Alabang dance studios. “Ngayon there’s really a challenge sa location. It’s new but for you to grow, you really have to embrace the process ng growth mo. It’s all about time management. Doon nacha-challenge ang team namin, sa time management. For those who are interested to join the program, they can dial 0917-8GFORCE (436273) or 02-7096077 for inquiries. They can also download our mobile app (G-Force Dance Center),” patatapos ni Teacher Georcelle.

vuukle comment

JENNYLYN MERCADO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with