^

PSN Showbiz

Regine lagare sa kasalan!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Regine lagare sa kasalan!
Regine

Principal sponsor sa Balesin wedding nina Billy Crawford at Coleen Garcia si Dra. Vicki Belo. Si Scarlet Snow ang kasama ni Vicki sa Balesin dahil nasa Holy Land ang asawa niya na si Hayden Kho, Jr.

Naglagare naman si Regine Velasquez na ninang naman sa beach wedding nina Rachelle Ann Go at Martin Spies sa Boracay noong April 18, bumalik siya ng Manila noong Huwebes at lumipad kahapon sa Balesin island, kasama ang mister na si Ogie Alcasid dahil may participation din sila sa kasal nina Billy at Coleen.

Bago bumiyahe sa Balesin, nagpunta muna si Coleen sa Belo Medical Clinic para sa Angel Whitening treatment dahil gusto niya na maging fresh na fresh ang kanyang mukha at skin sa araw ng kasal nila ni Billy na naganap kahapon.

Viva movies hahataw sa Middle East

Congrats kay Boss Vic del Rosario dahil sa partnership niya sa ibang mga big time movie producer sa Gulf at Asia kaya mapapanood na ang mga pelikula ng Viva Films sa Middle East.

Ang Never Not Love You, ang critically-acclaimed movie nina Nadine Lustre at James Reid ang unang pelikula ng Viva Films na nagbukas sa 35 theaters sa Middle East noong April 19.

Ang showing ng Never Not Love You sa Middle East cinemas ang dahilan kaya lumipad sa Dubai si Nadine dahil siya ang special guest sa premiere na naganap sa Dubai.

Bukod sa premiere ng pelikula nila ni James sa Dubai, nagkaroon si Nadine ng presscon at meet-and-greet sa Filipino community sa Dubai.

Ang Sid & Aya, Not A Love Story, ang susunod na Pinoy movie na dadalhin ng Viva sa Middle East. Starring sa Sid & Aya sina Anne Curtis at Dingdong Dantes.

Ito ang paliwanag ni Boss Vic tungkol sa bagong partnership ng Viva Films.

“The Filipino community is the 3rd largest community in the UAE, but unlike the audience for Indian films of various languages, Filipinos residing in the GCC ( Gulf Cooperation Council ) are massive spenders and intensely socially active who regularly attend Filipino events and the occasional film that is released.

Our aim is to tap into this market and expand by releasing Pinoy films on a day-and-date basis with the Philippines across major cinemas in the Gulf Cooperation Council as well as on VOD and on Digital and soon enough, bring in live events and concerts” ang sabi ni Boss Vic tungkol sa bonggang partnership nila ng mga industry veteran sa Gulf at Asia kaya nabuo ang Gulf Asia Entertainment, ang film distribution company na pangunahin na layunin na ipakilala sa Middle East ang presence at profile ng Filipino at South East Asian entertainment industry.

Mark Bautista lumutang ang hubad na katawan

Ano ba ‘yan, hindi na natatapos ang isyu sa mga video at photo scandal na kinasasangkutan ng mga male celebrity? Matapos umamin si Mark Herras, another Mark naman ang involved sa nude photo scandal.

Ang latest, si Mark Bautista naman ang pinagbi­bintangan na may nude photo scandal dahil kalokalike niya ang mhin sa mga kumakalat na litrato.

Hindi pa nagsasalita si Mark tungkol sa bagong kontrobersya na kinasasangkutan kaya hinihintay ng mga baklita ang statement niya.

Ang tanong, papatulan ba ni Mark ang isyu o dededmahin nito tulad ng hindi niya pagsagot sa mga nagtatanong kung sino ang mystery friend na kanyang tinukoy sa tell-all book na Beyond The Mark.

Hindi na naubos ang mga isyu tungkol kay Mark mula nang ilabas niya ang kanyang controversial biography book.

vuukle comment

REGINE VELASQUEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with