^

PSN Showbiz

JM may double nang magpakita ng puwet!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon
JM may double nang magpakita ng puwet!
JM, Bea

PIK: Napangiti lang si Ken Chan nang tinanong namin kung si Bea Binene ba iyung tinutukoy niyang naging girlfriend niyang artista.

Sinabi niya kasi sa nakaraang presscon ng The Cure na kung sakaling magka-girlfriend siya uli, ayaw na raw niya ng may kinalaman sa showbiz.

“Non-showbiz girl po sana. Walang kinalaman sa modeling industry, walang kinalaman sa showbiz.

“Gusto ko simple lang. Kung puwede estudyante, estu­dyante na.

“Ang totoo, gusto ko tahimik eh,” pahayag ng Kapuso actor.

Kahit daw ang pamilya niya apektado nung nagkaproblema siya sa lovelife niya.

“Naranasan kasi ng Mama at Papa ko eh.

“Nagkaroon ako ng girlfriend na showbiz, kahit papano pati sila nadamay eh, nagulo din yung buhay nila. Nahirapan din sila para sa akin.

“Alam nila kung gaano kahirap, So, sinabihan ako ng Mama at Papa ko na kung maaari, kung magkaroon ka ng girlfriend, sana non-showbiz para mas tahimik,” dagdag na pahayag ni Ken.

Pero sa ngayon ay mas gusto raw muna niyang single lang siya at naka-focus sa trabaho.

Thankful nga siya sa GMA 7 na binigyan siya ng magandang role sa The Cure kahit special participation lang dahil training na rin daw itong mag-aksyon para sa susunod na gagawin niyang drama series.

Sa April 30 na magsisimula ang The Cure na balitang ipapalit sa Sherlock Jr.

PAK: Bentang-benta ang butt exposure na eksena ni JM de Guzman sa ba­gong serye ni­yang Araw Gabi pero sinira naman ito ng konteserong bikini model na nag-double pala sa eksenang iyun.

Ipinost nitong bikini model na abangan daw ang Araw Gabi ni JM dahil siya raw ang nag-dobol sa eksenang hubad ni JM.

Ipinakita roon sa eksena ang hubad niyang katawan na nakatalikod, na ewan ko kung di mag-react diyan ang MTRCB.

Nang tinanong itong bikini model tungkol sa pagdobol niya kay JM, dine­talye niyang dalawang beses daw siyang nag-ta­ping na nag-dobol kay JM. Tig-seven thousand daw ang talent fee sa kanya, kaya naka-14 thousand siya sa teleseryeng iyun.

Malamang na hindi na siya kukunin uli dahil hindi naman talaga niya dapat na ipangalandakan pa na siya ang double sa eksenang iyun. Sinira niya tuloy ang ilusyon ng mga manonood.

BOOM: Nag-emote muna si Kris Aquino kay James Yap sa kanyang instagram account bago siya pumunta ng ABS-CBN para sa story conference ng pelikulang gagawin niya sa Star Cinema,

Hindi pala ang KathNiel ang ma­kakasama niya kundi ang JoshLia loveteam na sina Jo­shua Garcia at Julia Barretto.

Bidang-bida si Kris sa storycon na iyun at sa FB Live na napano­od namin, siya ang talk nang talk habang nakangiti lang sa tabi niya ang magka-love­team na Joshua at Julia.

I Love You, Hater ang title ng film project na ididirek ni Giselle Andres.

“Thank you for wanting me,” bati ni Kris kay direk Olive Lamasan ng Star Ci­nema.

Sabi pa ni Kris; “This is it! We’re home…

“Sa lahat ng mga sumusubaybay from TFC, to all of you who prayed for this to happen, thank you.

“Please please pray for us. Pray for the success of this movie, and let’s support Joshua and Julia.”

Hirit pa uli ng actress/TV host : “Let’s pray that Joshua behaves, and Julia will be happy.

“Can I just ask also, pray for my health na ka­yanin ko to!”

vuukle comment

BEA BINENE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with