^

PSN Showbiz

Ka Freddie kinontra sa ambisyong maging senador!

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
Ka Freddie kinontra sa ambisyong maging senador!
Ka Freddie, Ian

Bakit kinakailangang kaibigan ni Pres. Duterte ang isang artista para makapasok ito hindi lamang sa gobyerno kung hindi maging sa pulitika? Wala nga sigurong kakayahan ang mga artista na gawin ito nang mag-isa. Kailangang simula pa lamang ng political campaign ay kasama na sila para kapag nanalo ito ay maalala ang tulong nila, na tulad ng nangyari sa mara­ming artistang maka-Duterte.

Isa rin daw si Ka Freddie Aguilar sa mga tumulong sa kampanya ni DU30. Ito ang nagbunsod at kasama na ang hiling ng maraming kaibigan at kakilala nito para tumakbo siyang senador sa darating na halalan. ‘Yun nga lang, kaaanunsyo pa lamang ni ka Freddie  ay marami na agad ang nagpahayag ng kanilang pagtutol sa kanyang gagawin. Bakit kaya?

Ian hindi dinibdib ang pananalo ng Best Actor sa abroad

Isang malaking karangalan ang pagkakapili kay Ian Ve­ne­racion bilang Best Actor sa pelikulang Ilawod sa 38th Fantasporto International Film Festival sa Portugal pero, ayaw niyang dibdibin ang kanyang tagumpay sa pag-arte dahil baka ma­kaapekto ito ng hindi maganda sa ginagawa niyang paghahanda para sa kanyang kauna-unahang solo con­­cert na magaganap sa Cebu, sa Waterfront Hotel, sa April 21 at dito sa Kamaynilaan sa May 12, sa Resorts World Manila.

Hindi kaila sa lahat na may musical talent ang aktor, na bukod sa mga physical sports na ginagawa niya ay kumakanta pa rin siya, naggigitara at tumutugtog ng piano. Namalas ito ng lahat sa matagumpay niyang serye na A Love To Last.

Ngayon naman ang tsansa na mapanood siya ng live ng mga kababayan niya sa Ian in 3 Acts sa kauna-unahan niyang concert na dinalawa na para mapagbig­yan ang maraming kahilingan na mapanood naman siya dito. Makakasama niya si LA Santos sa show. Baka kapag makaraos siya dito at saka pa lamang niya maipagdiriwang ang kanyang panalo sa Portugal.

Ariel may napatunayan sa aktingan

When Ariel Rivera decided to be an actor, akala ng marami ay para masustena lamang niya ang kayang pagkanta. Hindi pala, talagang may passion siya sa pag-arte at nakita ito finally sa Hanggang Saan, ang serye ng ABS-CBN na nakatakdang magwakas sa mga darating na araw. Nakapagtataka nga lang na parang wala akong nababasang papuri sa kanyang role na nag­pakinang sa pagganap ng mag-inang sina Sylvia Sanchez at Arjo Atayde dahil sa magandang suporta niya.

Inigo at Maris iba na ang level ng relasyon

Meron pa bang naniniwalang friends lang sina Inigo Pascual at Maris Racal? Their actions speak louder than words. Kumportable na sila sa isa’t isa, parang hindi na sila nagliligawan, parang sila na!

Parang inspired nga sila sa isa’t isa kaya maganda ang takbo ng kanilang mga karera. Si Maris ay katatanggap lamang ng pagkilala ng Pasado Awards para sa kanyang trabaho, at si Inigo naman ay nakabilang pa sa Billboard.

Nadine biglang na-miss ang showbiz

Nami-miss ba ni Nadine Samonte ang pag-arte kaya siya tumanggap ng role sa Ipaglaban Mo?

Hindi naman siya nagkamali to stage a comeback via a role sa napakasikat na legal show ng ABS-CBN na napapanood tuwing Sabado ng hapon, makatapos ang It’s Showtime.

Nag-decide si Nadine na iwan ang kanyang pag-aartista nang magpakasal siya kay Richard Chua, anak ng artistang si Isabel Rivas. Mayro’n na silang anak na kumukumpleto ng buhay nila.

vuukle comment

FREDDIE AGUILAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with