^

PSN Showbiz

Maricel may bagong manager na!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon
Maricel may bagong manager na!
Maricel

PIK: Pagkatapos ng kasal nina Rachelle Ann Go at Martin Spies, inaabangan naman ang pag-iisang dibdib nina Billy Crawford at Coleen Garcia na gaganapin sa Balesin ngayong araw.

Bukod sa dalawang showbiz couple na napabalitang nagpakasal ay meron din palang kasabay sina Billy at Coleen na magpapakasal ngayong araw.

Nakatakda namang magpakasal sa Guam ang Mixed Martial Arts fighter na si Brandon Vera sa kanyang kasintahang si Jessica Craven.

Sumunod itong si Jessica kay Brandon dito sa Pilipinas nung ginagawa ang Buy Bust kasama si Anne Curtis.

Isang taon na ang nakaraan, nag-propose si Brandon kay Jessica at pagkatapos nun ay pinlano na nila ang kasal na gaganapin sa Tumon, Guam.

Kahapon ay lumipad na patungong Guam ang manager ni Brandon na si Dondon Monteverde na isa sa mga ninong. 

PAK: Natuwa si Dina Bonnevie dahil nakikita raw niya sa mga kabataang artista sa Blood Sisters na seryoso na sila sa kanilang trabaho. Napansin daw nila ni Cherry Pie Picache nung naglitanya raw sila on professionalism sa presscon ng naturang programa.

Kuwento ng aktres; “I think after our first presscon sa Blood Sisters, nagseryoso ang mga bata. Kasi dati ang iba panay ang Facebook, panay ang text, phone nang phone. Tapos pag mag-memorize ng dialogue kapag nagba-blocking na.

“Eh sinabi ko nun sa presscon, you have to have the four Gs di ba?

“First you we’re given a Gift, you have to be thankful for that gift of acting. You have to be able to Give, kasi kahit magaling kang artista kung ang kaeksena niya ay paputso-putso lang, hindi ka rin maka-give masyado eh kasi walang give and take.

“Yung gift you have to be Grateful for that, and being grateful you become responsible. You become professional, and then you have to give. And the last G was parang your gift should be used to Glorify God.

“Nung sinabi ko yun, may sinabi rin si Cherry Pie, kaya nagseryoso na yung mga bagets sa set na nag-aaral na sila ng…kasi pag sinasabi ko ‘alam mo na yung lines mo?

“Minsan kasi magti-take na tapos biglang nagbabasa pa ng script. So, ‘okay, ngayon ka pa lang nagmi-memorize, Okay, I’ll wait.

“Kaya next time, alam na dapat yung dialogue. Dapat pagdating sa set, pagdating sa rehearsal, drop script.”

Pero pinuri naman ni Dina si Erich Gonzales na marunong daw sa kanyang trabaho kahit hirap ito sa dami ng karakter na ginagampanan niya. Kaagad daw silang nagkapalagayan nang loob ni Erich.

BOOM: Disiplina sa trabaho rin ang natutunan ni Maricel Soriano nang gumagawa raw siya ng pelikula sa Reyna Films ni Armida Siguion-Reyna.

Iyun ang ibinahagi niya nang nakapanayam namin ito sa special screening ng pelikula nila ni Richard Gomez na Ikaw Pa Lang ang Minahal.

Muling ipinalabas ng ABS Restoration Group ang naturang pelikula na ipinalabas 26 years ago.

Dumalo si Maricel sa special screening nito kamakalawa ng gabi na ginanap sa Cinema 7 ng Trinoma.

Proud niyang sinasabi na naging disiplinado siya sa trabaho nang ginawa niya ito at nasundan pa ng dalawang pelikula kay Tita Midz.

“‘Yung disiplina kung paano namin ginawa yung pelikula. Yun ang malaking factor,” sabi ni Maria.

Doon din namin natanong sa kanya ang balitang siya raw ang napiling gumanap na nanay ni Liza Soberano sa Darna.

Pabaklang sinagot kami ni Maricel ng; “Hindi ko alam ‘yan!

“Lulunok din ba ako ng bato? Gusto ko sisigaw rin ako ng Darna!”

Ang sure lang ay si Biboy Arboleda na ang manager ni Maricel at magiging Kapamilya siya uli dahil magiging bahagi siya sa General’s Daughter na pagbibidahan ni Angel Locsin.

May pelikula rin siya sa Regal Films, ang My 2 Mommies na pinagbidahan nina Solenn Heussaff at Paolo Ballesteros, at idinirek ni Eric Quizon.

vuukle comment

MARICEL SORIANO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with