^

PSN Showbiz

Baron tuloy ang pagre-rehab!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon
Baron tuloy ang pagre-rehab!
Baron

Umaasa ang mga kaibigan ng actor na si Baron Geisler na tuluy-tuloy na ang pagbabago nito sa loob ng isang rehab facility kung saan ito dinala mula sa Police Station 3 ng Angeles City, Pampanga. Ikinulong si Baron dahil sa pang­gugulo at pagbabanta nitong papatayin ang bro­ther-in-law na si Michael Robinstone Morales, asawa ng sister niyang si Grace.

Hindi na umano ma­­kontrol si Baron ng kan­yang mga kapatid na sina Grace at Donnie maging ng kanyang brother-in-law dahil nag-iiba ang ugali ng actor kapag ito’y lasing.

Self-destruction ang ginagawa ni Baron sa kan­yang sarili to a point na wala nang gustong kumuha ng kanyang serbisyo at siya’y maka­tra­baho. Pero sa kabila ng mga nangyari at mga ka­salanang nagawa ni Baron, umaasa pa rin siya na mabibigyan pa rin ng chance na magbago at makapagtrabaho kapag tuluyan na siyang guma­ling sa loob ng rehab.

Manliligaw ni Erich nakalabas na ng kulungan

Nakalaya na sa pagkakakulong sa Malabon City Jail ang controversial young businessman na si Xian Gaza matapos itong ma-piyansahan ng P160,000 dahil sa dalawang warrant of arrest  na ipinalabas ng korte na may kinalaman sa mga reklamo ng dalawang ne­gos­yateng sina Jaime Asuncion at Melinda Cruz na niloko umano ni Xian ng tatlong milyong piso na may kinalaman sa ipinatayo nitong coffee shop.

Si Xian ang negosyanteng nag-viral nung isang taon nang ito’y mag-propose ng coffee date sa Kapamilya star na si Erich Gonzales sa pama­ma­gitan ng isang malaking billboard. Pero hindi siya pinatulan ng Blood Sisters star.

Ex ni Martin maligaya na sa piling ng dating aktor

Matagal nang hiwalay si Katrina Ojeda sa Concert King na si Martin Nievera na may iba na ring karelasyon. Si Martin ay may 11-year-old son kay Katrina at madalas itong isama ni Martin sa Pilipinas maging sa kanyang mga shows.

Si Katrina ay girlfriend na ngayon ng dating actor (sa Pilipinas) na si John Jerome Hughes at pareho silang naka-base sa Las Vegas, Nevada.

Kung matatandaan pa, si Katrina ang naging dahilan ng paghihiwalay ng estranged couple na sina Pops Fernandez at Martin back in 2003.

vuukle comment

I BARON GEISLER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with