^

PSN Showbiz

Dina, maligaya na sa piling ng asawa!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Dina, maligaya na sa piling ng asawa!

Nag-flashback sa akin ang nakaraan nang magkita kami kahapon ni Dina Bonnevie.

Marami akong fond memories tungkol kay Dina dahil close kami sa isa’t isa noong nag-uumpisa ang showbiz career niya.

In fact, magkasama kami sa US embassy nang mag-apply siya ng US visa.

Bihira ang nakakapunta sa bahay ni Dina at kabilang ako sa mga lucky few na naiimbitahan niya kaya special guest ko siya sa blessing ng bahay ko sa Fairview.

Isa si Dina sa mga articulate na artista sa Pilipinas. Sobrang talino niya at may sagot siya sa lahat ng mga question.

Masyadong honest si Dina kaya may mga intimidated sa pagiging prangka niya pero masarap siya na kausap.

Hindi uso kay Dina ang mga off-the record. Kung ano ang nasa isip niya, walang takot na sinasabi ni Dina.

Happy ako dahil maligaya na si Dina sa piling ng kanyang asawa, si Ilocos Sur House Representative Deogracias Victor “DV” Savellano.

Si Papa DV at ang pamilya nito ang may ari ng Victorino’s, ang restaurant na hindi nawawalan ng mga kostumer dahil masasarap ang pagkain.

Ang bait-bait ni Papa DV dahil pinabibigyan niya ako ng libreng desserts sa tuwing nagpapang-abot kami sa Victorino’s.

Ang Victorino’s at ang Annabel’s ang dalawa sa mga favorite restaurant ko sa Quezon City kaya kapag may mga pa-presscon ako, it’s either sa restaurant ni Papa DV o sa Annabel’s dahil bukod sa good service at masarap na pagkain, sanay na sanay na sa mga artista ang waiters at staff nila. Never na na-starstruck sa mga showbiz personality ang mga empleyado ng Annabel’s at Victorino’s.

Mainstay si Dina Bonnevie sa The Blood Sisters ng ABS-CBN dahil siya ang gumaganap na nanay ng triplets na ginagampanan ni Erich Gonzales.

Kasama si Dina sa mga talented at multi-awarded actress na nakakatawid sa ABS-CBN at sa GMA 7 dahil mga professional at magaga­ling sila na artista.

Kung matatandaan ninyo, matagal na namayagpag noon sa GMA 7 ang talk show ni Dina na Ms. D! dahil very competent host din siya.

Nadine nilayasan ang fans na umeepal

Dedma si Nadine Lustre sa kontrobersya na kinasasangkutan nila ni James Reid dahil mas marami ang dapat na pagkaabalahan niya.

Nag-babu si Nadine sa Pilipinas noong Martes dahil lumipad siya sa Dubai para sa promo ng Never Not Love You, ang blockbuster movie nila ni James na ipalalabas sa mga sinehan sa Middle East.

Kahapon ang mall show ni Nadine sa Dubai Mall na dinumog ng mga Pilipino na excited na mapanood ang critically-acclaimed movie nila ni James.

Umalis si Nadine sa Maynila habang mainit na pinag-uusapan ang pagtabig niya sa bisig ng female fan na nakababad sa pagpapakuha ng selfie photo na kasama si James.

Walang dapat i-explain si Nadine dahil makikita naman sa viral video ang mga eksena at ang pambabastos na natikman nila ni James mula sa unruly fans.

vuukle comment

DINA BONNEVIE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with