^

PSN Showbiz

Dahil sa sex video, Mark biglang nagkaroon ng pag-asa ang career

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon
Dahil sa sex video, Mark biglang nagkaroon ng pag-asa ang career
Mark

Kris tuloy na ang pagbalik sa Kapamilya

PIK: Hanggang ngayon ay ayaw pa ring magsalita ni Mark Herras tungkol sa kumalat na sex video scandal umano niya.

Nung huling naka-text namin siya, itinatanggi niya ‘yun. Hindi naman daw siya ‘yun. Pero nang mga sumunod na pangungulit namin, ayaw na niya kaming sagutin.

Pero sa totoo lang, mas lalong dumami ang nagkagusto kay Mark pagkatapos kumalat ang naturang video scandal. Lalo siyang naging kanasa-nasa at meron na ngang gustong ipag-produce siya ng pelikula.

Ayaw lang muna ni produ na pasabi ang ilang detalye, pero sana magpaganda pa raw lalo ng katawan si Mark para bumagay sa kanya ang role. Open naman daw si Mark sa medyo sexy na role dahil nadagdagan lalo ang sensuality nito.

Malamang makakatulong din ito sa promo ng nalalapit niyang drama series sa GMA 7 na The Cure kasama sina Jennylyn Mercado at Tom Rodriguez. Sino raw kaya kina Mark at Tom ang ‘Dak-yur’?

PAK: Bukas na ang beach wedding nina Rachelle Ann Go at ng American businessman boyfriend niyang si Martin Spies.

Gaganapin sa Discovery Shores sa Boracay at unti-unti nang nagdatingan ang mga close friends niya.

Ilan sa nakita namin sa Instagram na nasa Boracay na ay sina Sarah Gero­nimo, Kyla Alvarez, Erik Santos at Mark Bautista.

Hindi muna nagbibigay ang Cornerstone ng ilang detalye dahil mas gusto raw ng bride at groom na gawing pribado ang mahalagang araw na ito sa kanilang buhay.

Ibabahagi naman daw nila ito sa kanilang social media account pagkatapos ng se­re­monya.

Kinabukasan, April 20 naman ay ang kasal nina Billy Crawford at Coleen Garcia na gaganapin naman sa Balesin Island.

Mga Ka­pa­mil­ya naman nila sa It’s Show­time ang ilan sa magiging bahagi sa espesyal na araw ng dalawa.

BOOM: Bilib na bilib ang isang veteran actor kay Kris Aquino na kahit wala naman itong regular prog­ram at hindi na siya ganun ka-active sa showbiz, nanatili pa rin siyang in the news dahil sa napaka-active nito sa social media.        

Kahit unti-unti na nga siyang nawawala sa sirkulasyon, nagagawa pa rin niyang maging paksa sa ilang usap-usapan.

Kagaya nitong isa sa mga huling post niya sa kanyang Instagram account, tila ipinapahiwatig nitong matutuloy na ang pelikulang gagawin niya sa Star Cinema. Ito nga yata yung pagsasamahan nila nina Da­niel Padilla at Kathryn Bernardo.

Sabi niya sa kanyang post; “I needed to prove myself, on my own…I needed for them to be the ones to reach out… and somehow the TIMING & the PEOPLE who did the admittedly complicated negotiations had the right chemistry…I love the pro­ject & have so much respect for the production team…In San Francisco I prayed for God to guide all of us in the right direction, in what would be best for all of us…now in Tokyo, I got the all system GO confirmation..and this Friday… may nininerbyos na magbabalik.”

vuukle comment

MARK HERRAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with