^

PSN Showbiz

AIAI naligayahan sa bigay na diyamante ng mister

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon
AIAI naligayahan sa bigay na diyamante ng mister

Although mahigit four months pa lamang ka­sal sina AiAi delas Alas at Gerald Sibayan, apat na taon na rin ang kanilang relasyon na nagsimula in April 2014 kaya kamakailan lamang ay nag-celebrate ang couple ng kanilang fourth anniversary.

Sinorpresa ni Gerald ang kanyang misis ng isang pair ng diamond earrings sa kanilang ika-4th anniversary na labis na ikinatuwa ni AiAi.

Aminado ang singer-comedienne na gusto niyang tumanda na kasama ang kanyang husband na si Gerald.

 Melissa pinaghahandaan ang pagbabalik

Alam mo, Salve A., marami ang nagtataka kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin visible sa telebisyon ang dating Star Magic star na si Melissa Ricks na tila bulang naglaho magmula nang ito’y mabuntis at magkaanak sa kanyang three-year-old daughter na ngayon na si Kiera courtesy of her (estranged?) live-in partner na si Charles Togezaki.

Napapanood na lamang si Melissa sa kanyang mga old TV series sa Jeepney TV tulad ng Walang Hanggan na ginawa niya in 2012.  Ito’y tinampukan nina Coco Martin, Julia Montes, Paulo Avelino, Richard Gomez, Dawn Zulueta, Susan Roces, Helen Gamboa, Nonie Buencamino at marami pang iba.

Melissa is currently working out na maibalik sa dati ang kanyang katawan bago siya mag-showbiz comeback kaya regular itong tumatakbo sa U.P. at nagwu-work out.

Si Melissa ay 4th runner up noon sa Star Circle Quest ng ABS-CBN in 2004 at kapanabayan niya noon sina Hero Angeles, Sandara Park, Roxanne Guinoo at Joross Gamboa.

Since may anak na si Melissa, puwede na siyang tumanggap ng mga young mother roles o ‘di kaya pang-third wheel.

Sofia gusto ring subukan ang akting

Hindi ikinakaila ng singer-actress-turned politician na si Tac­­loban Mayor Cristina “Kring-Kring” Gonzales-Ro­mual­dez na mas maganda ang  boses ng kanyang pa­nga­­nay na anak, ang 18-year-old na si Sofia Romualdez kum­para sa kanya and she’s proud of it.

Proud parents sina dating Tacloban Mayor Alfred Ro­mualdez at misis niyang si Tacloban Mayor Kring-Kring sa kanilang 18-year-old daughter nang ito’y officially i-launch bilang recording artist ng Viva Records na isinabay sa launching ng kanyang second single na pinamagatang Thinkin’ of U na si Sofia rin mismo ang nag-compose. Ito’y ginanap last Thursday evening, April 12 sa ballroom ng Manila Polo Club in McKinley, Forbes Park, Makati City.

Although singing ang priority ni Sofia, she is not discoun­ting the possibility na pasukin din ang acting balang araw pero gusto muna niyang sumailalim sa ac­ting workshop kung saka-sakali.

Bukod sa singing, composing and recording, isa na ring VJ si Sofia ng OPM TV ng Viva TV.

 Kristine bumalik sa dating bahay

Isa sa mga primetime stars ng Star Ma­gic ng ABS-CBN si Kristine Hermosa noon nang mag­desisyon itong talikuran ang kanyang showbiz career in favor sa kanyang pagiging misis ng binata noon ni Vic “Bossing” Sotto at ex-wife nitong si Dina Bonnevie na si Oyo Sotto. Sina Kris­tine ay Oyo ay ikinasal in November 2011 at meron na silang apat na supling.

Hindi na noon tinapos ni Kristine ang TV series na Noah na pinagsamahan nila nina Piolo Pascual, Jodi Sta. Maria at Melissa Ricks na dinirek ni Lino Cayetano. In 2013 ay muling napanood si Kristine sa weekly sitcom ng kanyang father-in-law na si Vic Sotto, ang Vampire ang Daddy Ko on GMA kung saan din kasama ang kanyang mister na si Oyo Sotto. Muli ring napanood si Kristine sa isa pang sitcom on GMA, ang Hay, Bahay kung saan mga tampok na bituin sina Vic Sotto at AiAi delas Alas and in 2017 ay napanood din siya sa Bossing & I, ang programang muling pinagsamahan nina Vic at AiAi na lahat produced ng M-Zet TV ni Vic Sotto on GMA.

Just when people thought na hindi muling mag­babalik-Kapamilya si Kristine, marami ang gi­­nu­lat nito nang ito’y pumayag na maging baha­gi ng tumatakbong serye ngayon ng ABS-CBN, ang Bagani na pinangungunahan nina Liza Soberano, Enrique Gil at Matteo Guidicelli.

vuukle comment

AIAI DELAS ALAS

GERALD SIBAYAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with