^

PSN Showbiz

Cristina tanggap na mas magaling ang anak

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon
Cristina tanggap na mas magaling ang anak
Nadine

James excited sa showdown nila ni Daniel

PIK: Aminado ang Tac­loban Mayor Cristina Gonzales-Romualdez na pagdating sa kantahan ay mas magaling na ‘di hamak ang anak niyang si Sofia Romualdez kesa sa kanya. Kaya naman proud na proud sila ng dating Mayor Alfred Romualdez sa launch ng single ni Sofia na Thinkin’ Of U na ginanap sa Manila Polo Club nung nakaraang Huwebes, April 12 ng gabi.

Sabi ni Mayor Kring; “Mas magaling siya. Tanggap ko na. Bukod sa kumanta, nagra-write siya ng song, nagpi-play siya ng instrument, wala sa akin ‘yun, nasa kanya na lahat.”

Malaki raw ang impluwensya kay Sofia ng karanasan nila sa Super Typhoon Yolanda kaya nagpursige ito sa pagkanta, pagsulat ng mga kanta at pagtugtog ng musical instruments.

Kaya sa launch ay medyo nagsenti ang dating Mayor Alfred na nanariwa sa kanila ang nangyari nung Yolanda na muntik pang ikasawi ni Sofia.

“Up to now emotional pa talaga ‘yung what happened ‘di ba?” pakli ni Mayor Kring Kring.

Maganda ang single ni Sofia na kakaiba ang style, kaya excited silang lahat at umaasang tatanggapin ng publiko ang mga kanta ni Sofia.

“May kaba rin, pero sinasabi ko sa kanya na you know if you hear anything negative just don’t mind it. Be nice to everybody, ‘yun lang naman,” payo kay Sofia ng kanyang ina.

PAK: Bago pa lumipat si Ryza Cenon sa ABS-CBN 2, napapag-usapan na pala siya sa mga taga-GMA 7 na hindi na siya gagawa ng programa sa Kapuso network dahil nakapagpaalam na nga raw ito.

Meron pa ngang nagkuwentong pagkatapos ng ta­ping nito sa Ika-6 na Utos, nag-taping na raw agad ito sa Ang Probinsyano. Habang umeere pa raw ang drama series nito sa GMA 7 ay nagti-taping na raw ito sa serye ni Coco Martin.

Pero hindi naman nila na-announce na magiging bahagi na ito sa Ang Probinsyano.

Itinanggi naman ng kampo ni Ryza ang isyung iyun na nagti-taping na ito sa Ang Pro­binsyano habang running pa ang serye niya sa GMA.

Ang sinabi lang nila ay ma­kakasama ito sa The Gene­ral’s Daughter.

Samantala, napapag-usapan lang sa studio namin sa DZRH bakit hindi man lang nakasilip si Ryza sa burol ng namayapang lolo niyang si Joe Taruc.

Naalala pa namin na todo ang kampanya ni Sir Joe Taruc kay Ryza nung sumali ito sa Starstruck. Proud na proud pang ikinukuwento ng namayapang radio broadcaster na apo nga niya si Ryza kaya tinutulungan niya ito sa pangangampanya ng text votes.

Bakit hindi naalalang makiramay ni Ryza nung ilang araw ding nakaburol si Sir Joe sa Arlington Chapel?

BOOM: Mamayang gabi na ang concert ni Sarah Geronimo at ang isa sa inaabangan ay ang guesting nina Daniel Padilla at James Reid.

Hindi maiwasang pagkumparahin, pero sabi naman ni James, hindi niya naiisip iyun. Okay naman daw sila ni Daniel at masaya siyang makakasama niya sa trabaho ang isa pang Kapamilya hottest young actor.

“I know Daniel is super busy guy just like me, and if you know the people can’t help but compare, that’s fine. It’s part of the job. I’m happy to perfor­ming with him, and he’s one of the biggest artists around,” safe na pahayag ni James.

Pero sa kabila ng ilang isyung ibinabato kay James, pati kay Nadine Lustre, marami pa rin ang nagtitiwala kay James at isa na nga rito ang bagong endorsement ni James na Mountain Dew na ini-launch kahapon.

Doon na rin niya nabanggit na wala raw muna silang mga proyektong pagsasamahan ni Nadine, dahil kanya-kanya raw muna sila.

Pero meron daw siyang inaayos pa ngayon.

“Maybe the next JaDine project would be the song that I’m producing for the both of us,” pakli ni James.

vuukle comment

CRISTINA GONZALES-ROMUALDEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with