^

PSN Showbiz

Dalawang actor nagpa-panggap lang na bff pag may camera!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Nagtataka ang showbiz personality sa eksena na nasaksihan niya sa isang out of town show. Napansin kasi ng showbiz personality na parang estranged sa isa’t isa ang dalawang aktor na supposedly eh magkaibigan.

Nag-hi naman daw sa isa’t-isa ang dalawa nang magkita pero hanggang doon lang dahil never sila na nag-usap sa halos buong araw na pagsasama nila.

Wondering ang showbiz personality dahil kailan lang nang mapanood niya sa TV ang heartfelt message ni Actor A kay Actor B nang may pagdaanan ito na mabigat na pagsubok. Nag-iisip tuloy siya kung pralala o pakitang-tao lang ang kiyeme-kiyemeng friendship na ipinakita ng dalawang aktor sa TV o baka naman may unforgettable past sila?

Daniel at James walang naging problema sa billing

Tonight na ang This I5 Me, ang 15th anniversary concert ni Sarah Geronimo sa Smart Araneta Coliseum.

Sorry na lang sa mga gusto na bumili ng good seats dahil sold out ang This I5 Me. Kung inagahan ninyo ang pagbili ng tickets, hindi kayo mangangarag sa paghahanap ng magandang puwesto sa Smart Araneta Coliseum.

Special guests ni Sarah sa This I5 Me sina Xian Lim, Billy Crawford, Daniel Padilla at James Reid. Nadagdag sa list ng special performers ang BFF ni Sarah na si Mark Bautista na 15 years na rin niya na kasamahan sa showbiz dahil magkasabay na nag-umpisa ang mga singing career nila.

Walang naging problema sa billing ng pangalan ng special guests ni Sarah dahil in alphabetical order ito kaya nauna ang name ni Mark at huli ang pangalan ni James.

Sofia nakawala na sa trauma ng Yolanda

Traumatic pala ang experience ni Sofia Romualdez nang manalanta ang Typhoon Yolanda sa Tacloban City noong November 2013.

Ang tatay ni Sofia na si Alfred Romualdez ang nagkuwento na tinangay si Sofia ng malakas na agos ng tubig at buti na lang, nakakapit ang bagets sa isang poste or else…

Imagine, dalawang oras na nakakapit sa poste si Sofia bago dumating ang saklolo habang nasa kisame naman ng kanilang bahay ang kanyang nanay na si Cristina Gonzales at kapatid na si Diana.

Fourteen years old pa lamang noon si Sofia kaya isipin n’yo ang trauma na inabot nila ni Cristina. Nakakakilabot sa pakiramdam ang puwedeng mangyari kay Sofia habang nakatingin ang kanyang helpless na ina at kapatid.

Naka-recover na ang mag-iina sa traumatic experience nila. Five years after Typhoon Yolanda, recording artist na si Sofia ng Viva Records at isa nang magaling na musician.

Very supportive sa music career ni Sofia ang kanyang mga magulang na hangang-hanga sa tapang at resilience na ipinamalas niya sa murang edad nang maganap ang Typhoon Yolanda.

Aktres na kilalang luka-luka tsinugi agad sa bagong teleserye

Tsugi sa isang bagong teleserye ang aktres na hindi na active sa showbiz.

Maganda sana ang role ng aktres sa coming soon teleserye pero nag-decide ang network management na palitan siya.

Naging sigurista lang ang management dahil legendary ang pagkakaroon ng attitude problem ng aktres na nalunod noon sa isang basong tubig.
Nag-alala ang network officials na baka magluka-lukahan naman ang aktres at maging cause of delay ng taping.

Magaling na artista ang aktres pero walang puwang sa entertainment industry ang mga kagaya niya na unprofessional. Mas marami ang mahuhusay na aktres na karapat-dapat na bigyan ng television assignments dahil may respeto sila sa kanilang propesyon at sa oras ng ibang mga tao.

vuukle comment

DANIEL PADILLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with