^

PSN Showbiz

Anne gusto naman maging babaeng galing sa ibang planeta!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Anne gusto naman maging babaeng  galing sa ibang planeta!

Ilang buwan nang bulung-bulungan na si Anne Curtis diumano ang gaganap bilang si Valentina para sa pelikulang Darna na pagbibidahan ni Liza Soberano. Ayon naman kay Anne ay buong puso niyang tatanggapin ang nasabing role kung sakali mang ialok ito sa kanya. “Of course, siyempre naman iconic ‘yon. More than anything, I’d be more interested siguro in playing a villainess. I have fun kasi in playing mga kontrabida dito so I’d totally be open to doing it,” nakangiting pahayag ni Anne.

Bukod sa pagganap bilang si Va­lentina ay gusto rin umanong gampanan ng aktres ang Planet Woman na isa sa mga kalaban na karakter ni Darna sa nasabing proyekto. “’Yung girls na galing sa ibang planeta. Maraming kontrabida na pwedeng gawin and I’d love to portray one of them,” dagdag ni Anne.

Kung makakasama sa nasabing proyekto ay magiging masaya ang dalaga dahil si Erik Matti ang gagawa nito na direktor din ni Anne noon sa pelikulang Buy Bust na kanyang pinagbidahan.

Maris nakipag-away sa nanay para lang makasama sina Bela at Carlo

Hindi kailan man inakala ni Maris Racal na magiging malapit niyang kaibigan si Bela Padilla. Magkasamang nagbakasyon sa Siargao ang dalawa kasama si Carlo Aquino kamakailan. “First time naming mag-hang out talaga. Si Kuya Carlo naka-work ko na siya sa teleserye na We Will Survive. So meron naman kaming friendship na na-establish. So okay naman kami lahat. Si Ate Bella kasi isa siya sa mga artist na nilu-look up ko talaga. Kasi napakatalino niyang babae, very beautiful, and humble, and so fun to be with. So parang before pa lang mini-message ko na siya. Friends kami virtually pero hindi pa kami nagha-hang out. So parang magaan ‘yung loob ko sa kanya kasi nagsusulat din siya. Parang feeling ko vibes kami,” kwento ni Maris.

Sa nasabing ba­kasyon ay tinukso-tukso rin ng baguhang aktres si Carlo kay Angelica Panganiban dahil napa­babalitang nagka­balikan diumano ang dating magkasintahan. Ayon kay Maris ay kasama rin dapat nila si Angelica sa Siargao. “Hindi kasi may ibang flight din si Ate Angge eh, kaya hindi siya nakasama. Inaa­sar-asar ko lang siya, parang hindi ko kasi alam kung may something ba sila pero parang in my mind parang kinikilig ako, gano’n,” pagbabahagi ni Maris.

Ito rin ang kauna-una­hang pagkakataon na nag­biyahe ang dalaga na hindi kasama ang kanyang pamil­ya kaya muntikan nang hindi payagan ng ina si Maris. “Si mama talaga grabe! Kasi very traditional siya, very religious. So parang nabaliw siya. Tinakot niya ako para hindi ako sumakay sa eroplano, eh naka-book na ako. Sabi niya, ‘Maris, Black Friday ngayon, bawal umalis. Dapat dito ka lang,’ ginagano’n niya ako. Sabi ko, ‘Mama naka-book na ako.’ Umiiyak na ako, stressed na stressed na ako. Kailangan ko na mag-travel. Medyo nag-away kami konti pero napapayag ko naman siya,” natatawang kwento ni Maris.

vuukle comment

ANNE CURTIS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with