^

PSN Showbiz

Anak ng sikat na personalidad biktima ng bullying, ‘di na nakapasok ng eskuwelahan!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

How true na home schooled o sa bahay na lang nag-aaral ang anak ng mga sikat na personalidad dahil biktima siya ng bullying sa school?

Madalas daw na tinutukso ng mga kaklase ang bagets kaya ayaw na nito na pumasok sa school.

Hindi talaga madali ang magkaroon ng mga magulang na sikat dahil affected talaga ang kanilang mga anak.

At dahil home schooled na ang bagets, nawalan na siya ng chance na makapamuhay nang normal.

Hindi nag-iisa ang poor bagets dahil isa lamang siya sa maraming anak ng mga celebrity na biktima ng bullying.

Importante talaga na protektado ang privacy ng mga bata para magkaroon sila ng tahimik at normal na pamumuhay.

Sa totoo lang, may kasalanan ang mga magulang ng bagets sa nangyayari ngayon sa buhay nito. Ginawa nila na public property ang bagets na biktima ng over exposure sa mga social media post ng magulang niya.

Derek maraming puwedeng pagkaabalahan

Nag-babu na si Derek Ramsay dahil nag-expire na ang kontrata niya sa TV5.

Pahulaan ang television network na lilipatan ni Derek na sigurado na hindi mawawalan ng mga television offer dahil magaling na artista at mahusay makisama.

Maraming puwedeng pagkaabalahan si Derek habang hindi siya busy sa TV, ang bagong bahay niya sa Alabang, ang vacation house ng pamilya niya sa Palawan at ang kanyang mga favorite sport.

Feel ko na can afford si Derek na mag-relax muna dahil very fruitful ang anim na taon na pananatili niya sa Kapatid Network.

For the meantime, tatapusin muna ni Derek ang kanyang mga movie project na tinanggap. Wait and see na lang tayo sa mga susunod na mangyayari sa acting career niya.

Lovi ini-enjoy ang pagiging bakla

Baklang-bakla na ang karakter ni Lovi Poe sa The One That Got Away dahil mga gay lingo na ang mga dialogue niya sa primetime television series ng GMA 7.

Sinabi naman ni Lovi na-enjoy ito sa kanyang role sa The One That Got Away at natutuwa siya kapag sinasabi niya ang bakla na salita.

Nakarating yata sa writer ng show ang pralala ni Lovi dahil mga gay lingo na ang dialogue niya sa kanyang mga eksena.

Nakikipagsabayan na rin siya pagiging kikay ng karakter ni Rhian Ramos na unang napansin ng viewers ng The One That Got Away dahil natural na natural ang acting.

Apo ni Lorna nasa hitsura na agad ang pag-aartista

Confirmed na si Lorna Tolentino ang kahawig ng kanyang apo na si Tori at matibay na ebidensya ang old still photos ng pelikula na ginawa niya noong child star pa siya, ang Lumuha Pati Mga Anghel.

Sina Gloria Romero, Eddie Garcia, Ronaldo Valdez at Marissa Delgado ang co-stars ni LT sa pelikula ng Lea Productions noong 1971.

Ang legendary graphic novelist na si Mars Ravelo ang sumulat ng kuwento ng Lumuha Pati Mga Anghel. Hindi puwedeng mabura sa kasaysayan ng komiks si Uncle Mars dahil siya ang creator ng Darna, Lastikman, Captain Barbell, Dyesebel at ibang mga Pinoy superhero.

Si Lino Brocka ang direktor ng Lumuha Pati Mga Anghel kaya bata pa lang, masuwerte na si LT dahil magagaling na mga artista at direktor ang mga nakatrabaho niya.

Feel ko talaga na susundan ni Tori ang yapak ng lola niya dahil six years old pa lang siya pero nagpapakita na ng interes sa pag-arte.

Hindi nakapagtataka na balang-araw, maging artista rin si Tori dahil may pagmamanahan siya at pamilya ng mga artista ang lahi nila.

vuukle comment

BULLYING

LOVI POE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with