^

PSN Showbiz

Vice natatakot mamatay, laging inaatake ng anxiety Sa madaling araw!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Vice natatakot mamatay, laging inaatake ng anxiety  Sa madaling araw!

Hindi makagalaw may tubo pa sa katawan

Matindi pala ang anxiety attack ni Vice Ganda lately.

Sa birthday celebration niya sa Showtime kahapon,   nagpasalamat siya sa isang kaibigang bumati ng happy birthday na kasama niyang natutulog.

Nagigising daw siya sa madaling araw at natatakot na madilim ang paligid.

Pero pag nararamdaman niyang may katabi siya, nawawala lahat ng takot ni Vice. “Sinasagip niya ako sa kamatayan,” sabi ni Vice sa isang kaibigan na pinasasalamatan.

At ang birthday wish niya, bumalik sa dati ang kalusugan niya, matapos ang operasyon sa kidney stones kung saan umamin ang komedyante na nahihirapan pa rin siyang gumalaw dahil nga sa tubong nakalagay sa kanyang katawan. “Kasi kapag nagtatawanan tayo, lalo na sa TNT (Tawag ng Tanghalan), biglang nawawala ang ngiti ko, bumabagsak ang ngiti ko, kasi nararamdaman ko ang tubo ko masakit. Kasi may kidney stones ako. Hindi lumabas, pinasukan ng tubo. Sabi ko ayaw ko na, gusto ko nang ipatanggal ito. Sabi ng doctor after two months tingnan natin. Nagpa-ultrasound ako. Excited ako na makuha ‘yung result, eh hindi pa okay, kaya hindi pa siya tatanggalin. Bukas mayroon akong CT scan. Ipag-pray niyo ako para okay na ako. Hindi kasi ako makagalaw,” kuwento niya kahapon sa Showtime.

Magbabawas din daw siya ng show, pero ang Showtime ang pinaka-priority niya.

Nagbiro pa siya tungkol sa mga kayaman niya na makukuha rin naman ‘yun ng mga pamangkin niyang kasama sa mga napanood sa video greetings kahapon.

Get well soon Vice.

Bianca sobrang madasalin

Sobrang madasalin pala si Bianca Manalo. As in nakikita ng isang friend ko na nagsisimba at nagdarasal ang ex beauty queen and actress kahit nag-iisa ito sa simbahan ng isang exclusive village in Makati.

Kaya naman nang lumubog ang speedboat na magdadala sana sa kanila sa Marison Island mula sa Pandan sa Antique kung saan nangyari ang aksidente, sinabi ni Bianca na dasal talaga ang nagligtas sa kanila matapos ang tatlong oras na pagbabad sa karagatan ng Antique.

Kasama niya sa lumubog na speedboat noong Mahal na Araw ang boyfriend  niyang si Pandan, Antique Mayor Jonathan Tan at ilang mga kaibigan including Ehra Madrigal at ang husband nito.

“I was trying to calm everyone down. Naging pacifier ako ng group. May takot sa puso but lagi akong nagdadasal. Sabi ko Lord save us, Lord save us. Please Lord, calm the waters. ‘Yun ang lumalabas sa bibig ko. Never akong sumigaw. Puro prayers and kapag natataranta na ang mga kasama ko, kinakalma ko sila. Sabi ko mas malulunod kami kapag nataranta,” ang kuwento ni Bianca pagkatapos ng ordeal niya sa mga interview.

Iba talaga pag nagdadasal ka. Ngayon kasi ang priority ng karamihan ay social media. As in pagmulat ng mata ang unang ginagawa ay mag-check sa social media at mag-update ng mga status nila.

Bibihira na yata ang nakakaisip mag-pray sa isang araw dahil nakakabasa na sila ng prayers sa social media.

At kung nagsisimba man ang iba, ayun nagche-check pa rin ng Facebook or Instagram.

Kaya magandang inspiration si Bianca sa mga social media addict na walang ginawa kundi maglantad ng mga expensive things nila na ‘wag natin kalimutan ang magdasal. ‘Yun ang magliligtas sa ating lahat sa kahit anong kapahamakan.

vuukle comment

VICE GANDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with