^

PSN Showbiz

Show ng Kapuso stars sa Amerika, tinatadtad ng kanegahan!

PIK PAK BOOM - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Show ng Kapuso stars sa Amerika, tinatadtad ng kanegahan!

Kesyo ‘di raw napuno

PIK: Si direk Monti Parungao pala ang direktor ng bagong series ng GMA 7 na Inday Will Always Love You.

Madalas na mga indie film ang nagagawa ni direk Monti na may temang kabadingan, pero napapansin naman sa ilang international film festival.

Thankful siya sa GMA 7 lalo na sa GMA News and Public Affairs na siyang nag-produce ng Inday Will Always Love You dahil nabigyan daw siya ng chance na makapagdirek ng serye.

Inaasahan niyang simula pa lang itong IWALY, at mabibigyan daw siya ng chance na makapagdirek pa ng ibang programa sa Entertainment TV ng GMA 7.

Ang suwerte lang daw niya na sina Barbie Forteza at Derrick Monasterio ang bida ng programang ginagawa niya, dahil ang dali raw bigyan ng instruction at nakaka-inspire pa raw na ramdam mo ang chemistry sa kanilang tandem.

PAK: Ngayon lang namin nalaman na magmula nang maghiwalay sina Romnick Sarmenta at Sheryl Cruz bilang magka-loveteam, hindi na pala sila nagsama uli sa isang project.

Napag-alamang kinukuha sana ang dating magka-loveteam para sa My Guitar Princess ng GMA 7 pero hindi natuloy dahil hindi raw pumuwede si Romnick.

Nang inalok daw ito sa dalawa, kaagad na nag-okay daw si Sheryl. Samantalang si Romnick ay matagal daw bago nag-decide na ang ending ay hindi rin daw pala siya puwede. Bakit kaya?

Bakit nga ba di natutuluy-tuloy ang pagsasama muli nina Romnick at Sheryl? May selosan factor ba? Kailangan bang sagutin ni Harlene Bautista?

BOOM: As of presstime, nagpi-perform na ang mga Kapuso stars sa Newark Symphony Hall sa New Jersey, USA.

Nakaka-Viber namin ang ilang kaibigang nanood ng naturang show at ma­saya sila dahil nakita raw nila uli sina Dingdong Dantes, Dennis Trillo, Jennlyn Mercado, Lovi Poe, Betong Sumaya at si­yempre ang Pambansang Bae Alden Richards.

Napuno naman daw ang venue, kaya nagtataka sila bakit may ilang kababayan natin ang nagkakalat na mahina raw itong Kapuso show sa Amerika.

Wala pa man itong show, may mga nag-message na sa amin ng mga ganung negang balita.

Hindi na lang namin pinansin. Ang mahalaga, nag-enjoy ang Kapuso stars sa mainit na pagtanggap sa kanila ng mga kababayan natin doon.

Si Dingdong ang isa sa pinaka-excited sa show na iyun dahil matagal-tagal na rin daw siyang hindi nakapag-perform sa mga kababayan natin sa ibang bansa.

“Matagal ko na siyang hindi nagagawa eh, and I’m very excited to do this in front of our Filipino au­dience,” pahayag ng GMA Primetime King bago siya umalis pa-Amerika.

Pagkatapos ng show sa US, tutuloy si Alden sa Canada para sa isa pang show doon sa Filipino community.

vuukle comment

KAPUSO STARS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with