^

PSN Showbiz

Ian aminadong hindi pinagdududahan ng asawa dahil kay sto. Niño!

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Ian aminadong hindi pinagdududahan ng asawa dahil kay sto. Niño!
Ian at Jessy

Mabilis na mabilis kung itanggi ni Ian Veneracion na walang na­ging sila ni Jessy Mendiola noon.

Though ilang beses na siyang nag-deny pero ayaw kasing maniwala ng iba. Actually, history na ang kuwento. Kaya lang natanong kasi siya kung never bang siyang na-attract sa ibang babae sa rami ng mga nakatrabaho niya like Jodi Sta. Maria and Bea Alonzo. At dun na naikonek si Jessy.

“I appreciate female anatomy. I appreciate beauty, bilang lalaki naman ako,” pag-amin naman ng Kapa­milya actor kahapon sa tsikahan para sa kanyang first ever ‘real’ concert na may pamagat na Ian in 3 Acts na kakaiba ang concept.

Tatlong beses lang daw silang nagkita ni Jessy at casual meeting pa, hindi sila nag-meet sa malayo.

Pero ang isang payo niya, kung mati-tempt, ‘wag pahuhuli.

Stable ang marriage ni Ian sa misis na engineer na may sariling company kaya raw siguro kahit anong isyu sa kanya, hindi sila maapektuhan. Maging si Jessy naman ay sinasabing ikakasal na kay Luis Manzano. Timing na lang diumano ang hinihintay.

Going back to Ian, wala raw kahit anong social media account ang kanyang misis kaya malabong makasagap ng mga polluted issues sa showbiz.

“Saka sa mukha ko bang ito, gagawa ako ng ganun,” sabay tawa ni Ian na nire-reinact ang naging Sto. Niño role niya nung five years old siya kaya ang ending lagi siyang pinaniniwalaan ng misis.

Anyway, naghahanda na si Ian para sa kanyang kakaibang concert na ngayon lang niya gagawin.

Bata pa lang siya kumakanta na ang aktor, nagpa-piano at tumutugtog ng gitara. Pero mas nakilala siyang actor.

At ngayon lang niya ipa-experience sa fans ang ‘hidden’ talent niyang iyun.

Ipakikita niya rito ang tunay na pagiging artist. Pilot by profession si Ian, pero mahusay din siyang painter

Magpi-play siya ng piano and guitar at iparirinig ang compositions niya kasama ang sariling banda.

Ang first sa gaganaping concert series ay sa April 21, Grand Pacific Ballroom of Cebu Waterfront. Makakasama niya sa show si L.A. Santos with other guests. At dadalhin nila ang concert sa Manila sa Mother’s Day, May 13 sa Resorts World Manila.

Ayon kay Ian hindi lang ito basta kilig-kiligan. Seryosohan ito at kinarir nila ang rehearsal.

Available na ang tickets sa SM City Cebu or sa lobby ng Waterfront Cebu Hotel & Casino and on line at Ticketworld. Ian in 3 Actrs is produced by Dreamwings Production Inc.

Heart hinihintay kung nakabuo sa Italy

Nakabalik na ng Manila sina Sen. Chiz and Heart Escudero.

Pero hindi pa siyempre malalaman kung nagtagumpay silang makagawa ng baby sa ilang araw nilang bakasyon sa Italy.

Kahapon sa IG story ni Heart ay makikitang pinuntahan niya ang on going exhibit ng kanyang paintings sa Ayala Museum.

Wala pang formal opening ang nasabing In Full Bloom exhibit ng actress na on leave ngayon sa GMA.

Wala ring feedback kung kelan siya pipirma ng kontrata sa GMA Artists Center.

vuukle comment

IAN VENERACION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with