^

PSN Showbiz

Nilayasang show ni John Lloyd mataas pa rin ang ratings, Coco nangunguna!

Pilipino Star Ngayon
Nilayasang show ni John Lloyd  mataas pa rin ang ratings, Coco nangunguna!
Piolo at Toni

MANILA, Philippines — Kapamilya pa rin ang pinakapinanood na TV network sa buong bansa noong Marso matapos nitong maghari sa top ten list ng mga pinakapinanood na prog­rama at magkamit ng average audience share na 46% (hindi kabilang ang Holy Week), ayon sa datos ng Kantar Media.

Nanguna ito partikular na sa Metro Manila, kung saan nagkamit ito ng ave­rage audience share na 42%, at sa Mega Manila, kung saan nagkamit naman ito ng average audience share na 37%. Tinutukan din ang ABS-CBN sa Total Luzon sa pagrehistro nito ng 42%; sa Total Visayas sa pagtala naman nito ng 56%; at sa Total Mindanao sa pagkamit naman nito ng 54%.

Nanatili pa rin ang FPJ’s Ang Probinsyano (41.3%) sa trono nito noong Marso bilang numero unong serye sa bansa, na sinundan naman ng reality-ta­lent search na Pilipinas Got Talent (38.1%). Lubos ding kinapitan ang pagtatapos ng La Luna Sangre (37.2%), maging ang sumunod na serye sa timeslot nito na Bagani (33.4%), ang pinakabagong fanta­serye ng ABS-CBN.

Inabangan din ang mga kwento ng inspirasyon sa MMK (31%) tampok ang buhay ng letter senders nito, pati na rin ang mga nagbabagang balitang hatid ng TV Patrol (30.7%).

Pumatok din ang mahiwagang kwento ng aral ng Wansapanataym (25.8%), ang panibagong yugto ng Home Sweetie Home (24.4%), ang current affairs program na Rated K (23.2%), at ang hit primetime series na pinagbibidahan ni Erich Gonzales na The Blood Sisters (21.3%).

vuukle comment

JOHN LLOYD

TV NETWORK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with