^

PSN Showbiz

Sec. Bong Go very millennial sa concert ni Katy Perry

TAKE IT TAKE IT! - Pilipino Star Ngayon
Sec. Bong Go very millennial sa concert ni Katy Perry
Bong at Katy

MANILA, Philippines — Nanood ng concert ni Katy Perry sa Mall of Asia Arena noong Lunes si Secretary Bong Go na very millennial dahil kilala niya ang sikat na American singer.

Dahil madalas na kasama ni President Rodrigo Duterte, kilalang-kilala si Secretary Bong Go ng fans ni Katy na nag-request ng photo op na kasama siya.

Hindi na puwedeng tawagin si Papa Bong na Pambansang Photobomber dahil siya na ang nilalapitan ng Pinoy fans para sa mga photo op.

Ang popularity ngayon ni Papa Bong ang basehan kaya marami ang nagsasabi na mananalo siya sa eleksyon sa 2019 kung totoo ang balita na kakandidato siya na senador.

Related video:

Carla at Tom HH habang nasa concert

Holding hands naman sina Carla Abellana at Tom Rodriguez sa concert ni Katy Perry.

Hindi na inililihim nina Carla at Tom ang kanilang relasyon na nag-umpisa sa set ng My Husband’s Lover.

Si Tom ang pumalit sa puso ni Carla nang maki­paghiwalay ito sa ex-boyfriend na si Geoff Eigenmann.

Hindi na mga teenager sina Carla at Tom para itago ang kanilang love affair dahil nasa legal na sila. Puwedeng-puwede na nga na bumuo ng pamilya ang dalawa.

Hiwalay muna sina Carla at Tom sa mga next project nila sa GMA 7.

Si Tom ang leading man ni Jennylyn Mercado sa The Cure at bida naman si Carla sa coming soon teleserye na may working title na Karibal Ko ang Aking Ina.

May tsismis na kasama sina Ruffa Gutierrez, Gabby Concepcion at Laurice Guillen sa cast pero hindi pa naglalabas ng official statement ang Kapuso Network management.

Basta ang sure, hindi kasama si Tom sa next television assignment ng kanyang girlfriend.

Billy excited sa concert ni Sarah

Parang déjà vu ang magiging pakiramdam ni Billy Crawford sa guesting niya sa This I5 Me, ang 15th anniversary concert ni Sarah Geronimo sa Smart Araneta Coliseum sa April 14.

Déjà vu dahil si Billy ang  kasama noon ni Sarah sa mga concert tour nito sa USA at Amerika.

Hindi pa contract artist noon ng Viva Artists Agency si Billy kaya palaging sinasabi nito na matagal na ang magandang relasyon niya sa Viva na unang nagbigay sa kanya ng movie project nang bumalik siya sa Pilipinas.

Excited si Billy para sa nalalapit na concert ni Sarah dahil alam nating lahat na singer-dancer  talaga siya bago nakilala bilang sikat na television host.

Ang This I5 Me ang isa sa mga gig ni Billy bago sila ikasal ni Coleen Garcia sa Balesin island ngayong April 2018.

Special guest din ni Sarah sa This I5 Me ang mga co-star niya sa Miss Granny, sina James Reid at Xian Lim.

Si Xian ang gaganap na record producer at love interest ni Sarah sa coming soon movie ng Viva Films. Si James naman ang apo ni Sarah na pumayag na maging lola sa pelikula dahil very challenging ang role niya.

Gaya ni Billy, happy si Xian dahil guest siya sa concert ni Sarah na isa sa mga reason ng paglipat niya sa Viva Artists Agency.

Gustong-gusto ni Xian na makatrabaho si Sarah sa pelikula at natupad sa Miss Granny ang dream niya.

 Si Xian ang host ng Bb.Pilipinas sa Smart Ara­neta Coliseum noong nakaraang taon. Ngayong 2018, magbabalik siya sa Big Dome bilang singer.

vuukle comment

KATY PERRY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with