^

PSN Showbiz

Cristalle umaming produkto ng siyensiya ang ipinagbubuntis!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Cristalle umaming produkto ng siyensiya ang ipinagbubuntis!

Cristalle at Justin

Ang cute ng kuwento na nag-aral si Justin Pitt na magluto ng sinigang, kare-kare at inasal dahil ito ang mga paborito ng kanyang misis na si Cristalle Belo na five months pregnant sa kanilang coming soon baby boy.

Madali para kay Justin na matutunan ang pagluluto ng mga pagkain na Pinoy dahil nagtrabaho siya bilang restaurant manager, catering manager at general manager ng mga sikat na hotel sa buong mundo.

Hindi marunong magluto si Cristalle kaya si Justin ang in-charge sa kusina nang maglihi siya sa magiging panganay nila.

Ikinuwento ni Cristalle sa interbyu sa kanya ng Metro Society na may polycystic ovarian syndrome siya kaya hindi monthly ang ovulation niya, tulad ng ibang mga babae.

Alam ni Cristalle na mahihirapan siya na magbuntis kaya ipina-freeze niya ang kanyang itlog noong 2015.

Nagpunta sila ni Justin sa US noong 2017 para ipa-fertilize ang itlog at ilagay ito sa sinapupunan niya.

Naglulundag sa tuwa ang mag-asawa habang nasa park nang matanggap nila ang good news na buntis na si Cristalle.

Maligayang-maligaya ang dalawa dahil positive agad ang resulta sa unang pagsubok nila na magkaroon ng anak.

Isisilang ni Cristalle sa July 2018 ang baby boy nila ni Justin. Looking forward na ang kanyang mga magulang na sina Dra. Vicki Belo at Atom Henares na makita ang unang apo nila.

Mahilig sa mga baby si Scarlet Snow Belo kaya sure na matutuwa rin siya sa nalalapit na arrival ng pamangkin niya. Hindi lang tayo sure kung tita ang itatawag kay Scarlet ng kanyang pamangkin.

Anne may sarili nang make up boutique

Nasa cloud 9 ang pakiramdam ni Anne Curtis dahil natupad kahapon ang kanyang pangarap na magkaroon ng boutique ang BLK, ang kanyang make up line.

Si Anne ang creative director ng BLK at nagbukas ito kahapon sa lower ground floor ng Trinoma.

Mula sa It’s Showtime studio, tumuloy si Anne sa Trinoma para sa grand opening ng BLK boutique at sa meet-and-greet niya sa fans.

Mahilig si Anne sa mga lipstick at sari-saring klase ng pampaganda kaya perfect para sa kanya ang bagong business venture niya.

I’m sure, madaragdagan pa ang mga branch ng BLK sa mga mall dahil sa success at mainit na pagtanggap ng mga kababaihan at ng mga beki sa make up line ni Anne.

Jolo may sikreto kaya napag-sasabay ang acting at pagiging vice governor

Time management ang secret ni Jolo Revilla kaya napagsasabay niya ang kanyang mga responsobilidad bilang vice governor ng Cavite at ang shooting ng 72 Hours, ang comeback movie project ng Imus Productions.

May tatlong kuwento ang 72 Hours na pinagbibidahan ni Jolo at ng kanyang kapatid na si Bryan Revilla.

Marami ang natuwa dahil ang 72 Hours ang hudyat ng pagi­ging aktibo ng Imus Productions sa paggawa ng mga pelikula.

Si former Senator Ramon Revilla, Sr. ang founder at producer ng Imus Productions na producer ng mga blockbuster action movies noong dekada ’70 at ’80.

Nag-produce din ang Imus Productions ng mga pelikula ni Bong Revilla, Jr.

Siyempre, happy ang mga movie worker sa pagbabalik ng Imus Productions dahil nabigyan sila ng mga trabaho. Ipinagda­rasal nila na magtuloy-tuloy ang movie outfit ng mga Revilla sa paggawa ng mga pelikula.

Co-star ni Jolo Revilla sa 72 Hours si Rhian Ramos.

Nakunan na ang ilang mga eksena ni Rhian para sa 72 Hours, lumabas na rin ang mga litrato na kuha sa set ng pelikula kaya confirmed na confirmed na siya ang leading lady ni Jolo.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with