^

PSN Showbiz

Liza sumumpang ‘di tutulad kay Aiza

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon
Liza sumumpang �di tutulad kay Aiza

Liza

Takot sa mga endorsement, Sikat na female TV host/singer isinisikreto ang sakit na cancer!

PIK: Agree kami kay direk Dan Villegas na sa panahon ngayon na halos isang linggo na lang ay magsu-showing na ang Never Not Love You, dapat na magpakalma na lang muna ang JaDine fans.

Huwag nang magpakanega, at huwag nang buhayin ang mga matagal ng isyu. Mag-focus na lang sa ganda ng pelikula at bagong ipapakita nina James Reid at Nadine Lustre.

Sa March 31, Black Saturday ang showing ng Ne­ver Not Love You, at maganda itong mga susunod na araw na magmuni-muni ang JaDine fans at magdasal na maganda ang kalalabasan sa takilya ng naturang pelikula.

Itong Black Saturday ang isa sa pinakamagandang playdate ng mga pelikulang ipinapalabas kaya inaasahang maganda ang kala­labasan ng daring film nina James at Nadine.

PAK: Itinanggi ni Film Development Council of the Philippines (FDCP) chair Liza Diño ang usap-usapang susunod daw siyang magri-resign pagkatapos magbitiw ni Ice Seguerra sa National Youth Commission.

Wala raw sa isip niyang mag-resign, at habang kailangan daw siya, mananatili siya sa FDCP.

Ani Liza; “If there’s one thing I discovered about being in government service is ‘yung naging purpose mo sa buhay is parang mas naging malaki siya. I’m really happy with what I’m doing. I’m happy with being able to support yung talagang… may makita lang akong filmmaker na nag-succeed, yung may programs lang kaming naging effective… parang it’s your joy. I really feel fulfilled in that sense.”

Happy na rin daw siya ngayon sa asawa niyang si Ice dahil unti-unti na raw bumabalik sa pagiging active sa pagkanta. Ito kasi ang naisantabi ni Ice nung abala pa ito sa National Youth Commission.

Pinagkakaabalahan naman ngayon ni Liza ang bagong proyekto sa FDCP, ang CineMarya na bahagi pa rin ng selebrasyon ng National Women’s Month. Joint project ito ng FDCP sa DILG at Philippine Commission on Women.

Bukas ito sa mga bagong filmmakers na gustong gumawa ng short film tungkol sa kababaihan. Sampung short films ang pipiliin na ipalalabas sa Cine Lokal at sa mga Cinematheque Center ng FDCP sa buong bansa.

Bibigyan ng seed money na tig-100 thousand pesos ang sampung finalists at kasama sa two-day CineMarya film camp para magkaroon ng intensive filmmaking workshop na ibibigay ng mga kilalang filmmakers.

Magsisimula ang pagtanggap ng entries sa April 1 hanggang June 30 ng taong ito.

BOOM: Medyo nabahala kami nang natanggap namin ang balitang may cancer daw ang kilalang female TV host/singer.

Nakarating sa aming sobrang worried din daw siya nang sinabi sa kanya na may breast cancer siya, pero stage one pa lang naman.

Hindi lang niya idinetalye sa amin kung anong treatment ang ginawa sa kanya ng doktor pagkatapos niyang ma-hospitalize ng ilang araw.

Pero ngayon ay okay na okay na siya at mukhang nagsisimula na siyang magtrabaho.

Willing si female TV host/singer na tumulong sa mga proyekto on cancer awareness, pero gusto niyang maging okay na siya talaga at ma-clear siya ng doktor.

Ayaw lang muna niyang magsalita sa ngayon dahil may mga endorsements siyang pinangangalagaan. Ayaw niyang makaapekto sa mga produktong ini-endorse niya kapag malamang may sakit siya.

Ang isa sa duda naming kaya siya nagka-cancer (stage one) dahil sa sobrang stress sa dati niyang asawang hiniwalayan niya.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with