^

PSN Showbiz

Restaurant nina Gladys matagal pinagplanuhan

SHOW-MY - Salve Asis - Pilipino Star Ngayon
Restaurant nina Gladys matagal pinagplanuhan

Ang sarap ng mga pagkain sa bagong bukas na restaurant ng “bagong” kasal na sina Christopher Roxas and Gladys Reyes, ang Estela. Business partners nila ang ilang kaibigan sa French fusion cuisine resto/bar na matatagpuan sa Sta. Lucia Brickroad, Cainta, Rizal.

Maganda rin ang location, katapat na katapat ng Robinsons Metro East kaya walang chance na maligaw ang mga gustong bisitahin ang lugar.

Ang bongga rin ng ambiance ng bar/resto na matagal pinagplanuhan ni Christopher at ilan nilang kaibigan.

Last Sunday ay inimbitahan kami ni Gladys for a dinner.  Wow, ang delicious ng mga food. Kakalimutan mong nagda-diet ka pala. Lalo na ang mga pasta nila.

Meron din silang band sa gabi kaya ok mag-chill after work or ‘yung mga gustong gumimik.

Hands on sina Christopher at Gladys sa pagma-manage sa resto na perfect venue rin para sa mga gustong mag-party para sa kanilang birthday and other occasions. Call 0945-817-1142 look for Emman for inquiries.

Nakasabay din namin sa nasabing dinner ang mommy ni Gladys na nagkaroon ng breast cancer. Ok na ok na siya at parang hindi nagkasakit.

Buntis sa kanyang youngest si Gladys nang ma-detect ang sakit ng kanyang mother.

Nalibot niya nun lahat ng hospital para maghanap ng mahusay na doctor na titingin sa kanyang ina.

Sa awa ng Diyos ay nakaraos sila. Two years old na ang youngest n­iyang si Cale.

May four kids ang mag-asawa, sina Christophe, Aquisha, Grant and Cale.

Last January lang ay nag-celebrate sila ng 25th wedding anniversary sa Tagaytay, kung saan nagkaroon sila ng reaffirmation of vows. 

Mapapanood si Gladys sa Inday Will Always Love You starring Barbie Forteza and Derrick Monasterio at meron pa siyang Moments sa INC Channel.

Ang lakas din ng dating ng commercial nila ni Aiko Melendez sa Mang Inasal.

Sandra nag-one-on-one lecture sa Build Build Build...

Ang bongga ni Binibining Pilipinas 2018 candidate Sandra Lemonon. Binigyan lang naman siya ng one-on-one lecture tungkol sa programa ng pamahalaan na Build Build Build. Nag-viral ang pagiging honest ni Sandra sa Q&A portion kung saan inamin niyang wala siyang alam sa naturang mga proyekto.

Kahapon ay may one-on-one session siya with Department of Public Works and Highways (DPWH)  Build Build Build Committee Chairperson Anna Mae Yu Lamentillo.

Ang tanong kasi sa kanya: “What are your insights on the government’s ‘Build Build Build’ program?”

Ang kanyang sagot: “Actually, you know what, I studied so much for this Q&A but, sadly, that’s something I don’t know really much about. But, at least, I’m here trying to answer a good question. Thank you.”

Kinabiliban ang kanyang honesty.

Kaya kung magkakaroon ng replay ang coronation night ng Binibining Pilipinas at same question ang ma-assign kay Sandra baka masungkit na niya ang isa sa major crown ng Binibini.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with