^

PSN Showbiz

Cristine balik sa pagpapa-sexy!

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon
Cristine balik sa pagpapa-sexy!

Cristine

Isang sexy movie ang nakatakdang simulan ng Viva Films na papangunahan ni Cristine Reyes na pinamagatang Abay Babes na nakatakdang idirek ni Don Cuaresma, isa sa mga resident directors ng long-running drama anthology na  Maalaala Mo Kaya at ilang pelikula tulad ng My First Romance in 2003, Loving You and All About Love in 2008, Sabel in 2010 at Call Center Girl in 2013.

Bukod kay Cristine ay makakasama rin sa Abay Babes ang iba pang Viva artists tulad nina Roxane Barcelo, Meg Imperial, Kylie Verzosa at Nathalie Hart.

Although huminto na si Cristine sa kanyang pagpapa-seksi magmula nang siya’y mag-asawa kay Ali Khatibi, ngayon ay binabalikan niya ito dahil parte ito ng kanyang trabaho bilang actress at nauunawaan naman daw ito ng kanyang mister na pumasok na rin sa showbiz.

Si Cristine ay huling napanood sa isang TV series in 2016 sa pamamagitan ng Tubig at Langis at nakagawa naman siya ng dalawang pelikula last year, ang Seven Sundays na pinagsamahan nila nina Aga Muhlach, Dingdong Dantes, Enrique Gil at Ronaldo Valdez at Spirit of the Glass 2 ng OctoArts Films na dinirek naman ni Joey Javier Reyes.

Piolo papalit sa Good Son

Bukod sa weekly sitcom na Home Sweetie Home, malapit nang mapanood uli si Piolo Pascual sa isang bagong teleserye na pagsasamahan nila nina Arci Muñoz, JC de Vera, Alessandra de Rossi, at Empoy Marquez.

Si Piolo ang isa sa mga producer ng biggest indie movie last year, ang Kita Kita na tinampukan nina Alessandra at Empoy na idinirek ni Sigfrid Andrea Bernardo for Spring Films.  Kung hindi kami nagkakamali, makakapalit ng serye nina Piolo ang The Good Son na malapit na ring magtapos sa ere.

First time na katambal ni Piolo si Arci sa isang bagong TV series.

Empoy may latak pa sa suwerte ng Kita Kita

Nagiging in demand celebrity endorser na rin ang actor-comedian na si Empoy Marquez matapos tumabo sa takilya ang Kita Kita.  Pagkatapos ng Mang Inasal ay may mga sumunod pang endorsements si Empoy tulad ng San Miguel Beer, Isuzu Mu-X at ang Cebuna Lhuillier.

At 36, Empoy has yet to find his special someone na hanggang ngayon ay hindi pa rin niya makita.

Bukod sa bagong TV series, si Empoy ay may bagong movie na ginagawa ngayon, ang Kusina Kings na pinagsasamahan nila ni Zanjoe Marudo na pinamamahalaan ng Cebuano director na si Victor Villanueva na siya ring nagdirek ng hit indie movie last year, ang Patay na si Hesus.

Ex-PBB housemate doktor na rin!

Kahit sandali lamang ang naging stint ni Aura Azarcon sa reality show na Pinoy Big Brother: Lucky Season 7 noong 2016, naging daan naman ito para makilala siya ng televiewers. 

Pagkatapos niyang lumabas ng PBB house ay ipinagpatuloy ni Aura ang kanyang medical school at noong nakaraang March 15 ay isa na siyang ganap na doctor matapos pumasa sa medical licensure board exam.

Ngayon ay isa nang celebrity doctor si Dr. Aura Azarcon na OB-Gynecologist.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with