^

PSN Showbiz

Pia pinagbibintangang third party sa hiwalayang Bea at Gerald?!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Pia pinagbibintangang third party sa hiwalayang Bea at Gerald?!

Marlon

Sad ang fans sa news na may problema sa relasyon nina Gerald Anderson at Bea Alonzo dahil bagay na bagay sila. Mabait na bata at very wholesome ang image ni Bea na puring-puri ni Lorna Tolentino nang magkasama sila noon sa isang teleserye ng ABS-CBN.

Ang nakakaloka, si Pia Wurtzbach ang pinagbibinta­ngan na third party kaya hindi na sinusubaybayan ni Bea ang mga Instagram account nina Gerald at Pia.

Hindi gimikera si Bea kaya imposible na gumigimik siya. Lalong hindi ang tipo niya ang magpapagamit para pag-usapan ang My Perfect You, ang pelikula nina Pia at Gerald na showing pa rin sa mga sinehan.

Waiting ang lahat sa statement nina Gerald at Pia tungkol sa aksyon na ginawa ni Bea. Pati ang boyfriend ni Pia na si Marlon Stockinger, tinatanong ng fans kung may relasyon pa sila ng girlfriend niya dahil bihira na sila na nakikita na magsama.

Mabibilang daw sa daliri ang pictures nina Pia at Marlon sa Instagram account ng sikat na race car driver kaya nag-one plus one and mga faney na may problema rin ang relasyon ng dalawa.

‘Joey hindi nagtagumpay sa akin’

Nag-congratulate ako kay Papa Joey de Leon dahil ikinasal nga sila ni Eileen Macapagal sa Supreme Court noong Lunes, March 19 na Feast of St. Joseph, ang patron saint ng Henyo Master. Nag-thank you naman si Papa Joey with matching eklay na ako pa rin daw ang first love niya.

Naku, hindi na ako nabobola sa mga ganyang biro, kahit ramdam ko na may secret na pagna­nasa sa akin si Papa Joey. Hindi ko pinangarap na maging home wrecker at para sa akin, si Eileen talaga ang nag-iisang babae na karapat-dapat kay Papa Joey.

Paulit-ulit man na sabihin ni Papa Joey na ako ang kanyang first love, wah effect sa akin dahil kasama na siya sa listahan ng mga mhin na may lihim na pagtingin sa akin pero hindi nagtagumpay na mabihag ang puso ko.

Allan K. binuhay ang kilay

Hindi nagsusuot ng sunglasses si Allan K. sa Eat Bulaga dahil back to normal na ang kilay niya. May props na sunglasses si Allan K. sa Eat Bulaga noong Lunes para hindi obvious na kumapal ang kilay niya na bahagi ng kanyang beautification project.

Biniro si Allan K. ng mga co-host niya na “kilay is life” dahil biglang naging bushy ang kanyang dating manipis na eyebrows.

Libel case, lusaw na!

Kahapon ko lang natanggap mula kay Atty. Norman Golez ang sulat niya tungkol sa resolution ng Supreme Court sa libel case na isinampa laban sa amin nina Papa Ricky Lo, Papa Al Pedroche, at Salve Asis ng isang lawyer. Masyadong mahaba kung ikukuwento ko pa ang puno’t dulo ng kaso na isinampa noon sa Bulacan. May-I-share ko na lang sa dear readers ng PSN ang good news na natanggap namin mula kay Atty. Golez.

“We are pleased to inform you that the Supreme Court’s Decision dated 3 October 2016, which dismissed the petition for indirect contempt filed against you has become final and executory and recorded in the Supreme Court’s Book of Entries of Judgments. You may now consider this case as closed.

“We attach a copy of the Entry of Judgment and the Ex-Parte Manifestation we filed in compliance therewith, for your reference and files. We are glad to have been of assistance to you on this matter.”

vuukle comment

BEA ALONZO

GERALD ANDERSON

MARLON STOCKINGER

PIA WURTZBACH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with