^

PSN Showbiz

Sarah walang hirap sa panganganak

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Sarah walang hirap  sa panganganak

Parang walang nangyari kahapon kay Sarah Lahbati matapos iluwal ang second baby nila ni Richard Gutierrez.

Agad-agad na kumalat sa social media ang photos nila ng bagong baby kasama ang actor.

Kai ang ipapangalan nila sa baby na ipinanganak ng 9:30 a.m. sa isang hospital sa Makati.

Wala raw naging hirap sa pangananak si Sarah kumpara sa panganay nilang si Zion.

Aubrey naghubad, gustong talbugan sina Ina, Sunshine, at Alice

Matapos ma-reject sa sexy body competition (ageless category), nag-pictorial ng naked ang former sexy star na si Aubrey Miles.

Sa true lang, perfect pa ang kurba ng katawan niya kaya gusto siguro niyang patuna­yan na kaya niyang magbilad ng katawan kesa sa mga endorser ng nasabing competition na sina Ina Raymundo, Sunshine Cruz, and Alice Dixson.

Meron din silang kuha na magkasama ng ka live-in niyang si Troy Montero na nagsa-sunbathe na naked.

Obviously, ginawa nila ‘yun para mapansin.

Successful naman sila.  

Adik sa workout si Aubrey kaya wala namang duda na maganda pa ang hubog ng katawan niya.

Pinagdudahang iniinis si Sen. Kiko, Sharon mas piniling maka-dinner si Pres. Digong kesa sa launching ng negosyo ni KC!

Wow, mas pinili Sharon Cuneta na makipag-dinner kay Pres. Digong Duterte nung isang gabi kesa dumalo sa launching ng bagong negosyo ng panganay na si KC Concepcion na mga alahas. Pero full support naman si Sen. Kiko Pangilinan at ang mga kapatid ni KC sa nasabing launching ng mga alahas na ibinibenta ni KC.

Kasama ni Ms. Shawie sa Malacañang ang kapatid niyang si Chet na ayon sa actress ay idol at hero si Pangulong Duterte. Ka-join nila ang grupo ni Agriculture Undersecretary Berna Romulo.

Siyempre ginagawan ng isyu ang ginawa ni Megaster Sharon. Lalo na nga at common know­ledge na president ng Liberal Party (opposition) si Sen. Kiko.

In all fairness, very open naman si Ms. Shawie na kaibigan niya ang daughter ni Pres. Digong na si Mayor Sarah na sinasabing kakandidatong senador at hindi isyu kung salungat ang asawa nito sa admi­nistration ni Pres. Digong.

Pero ano kayang nararamdaman ni Sen. Kiko na kinukuwentuhan pa siya ng misis niya tungkol sa dinner kung saan sinabi ni Ate Shawie na kumakain pa ng sardinas ang presidente?

Banggit pa niyang bago sila umuwi ay pinabaunan pa sila ng Presidential gift.

Naiintriga tuloy na baka naman sinasadya na ni Ms. Shawie na inisin ang mister na senador.

Jessy bagong kakampi ni Coco!

Panibagong mukha muli ang napapanood gabi-gabi sa pagpasok ng karakter ni Jessy Mendiola na magpapaigting sa puwersa ng Vendetta sa nangungunang serye sa bansa na FPJ’s Ang Probin­syano.

Ginagampanan ni Jessy si Andy, isang medical doctor na tumulong na gamutin ang sugat ng miyembro ng Vendetta matapos ang engkuwentro ng grupo sa kampo nina Hipolito (John Arcilla) at Alakdan (Jhong Hilario).

Karagdagan nga ang Kapamilya actress sa listahan ng mga malalaking bituin na naging parte ng bagong yugto ng serye. Natunghayan na rin kamakailan sina Dawn Zulueta, Alice Dixson, Ro­well Santiago, at Edu Manzano na gumaganap bilang mga maimpluwensyang pamilya na nakatakdang maging katunggali ni Cardo (Coco Martin).

Sa pagpa­patuloy ng kuwento, lubos na ang pagpupunyagi nina Hipolito at Alakdan matapos nilang pulbusin ang Vendetta, at puruhan pa ang pinuno nitong si Romulo (Lito Lapid). Ngunit sa aktong ili­ligpit na ng mga pulis ang bangkay ng mga namatay, nagulat ang lahat ng ideklarang buhay pa si Romulo at nakaligtas mula sa pamamaril ng mga kalaban.

Ang pagkabuhay kaya ni Romulo ang tatapos sa kasamaan ni Hipolito?

Tutukan ang maaaksyong tagpo sa nangungunang serye sa bansa, ang FPJ’s Ang Probinsyano, gabi-gabi sa ABS-CBN at sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167).

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with