^

PSN Showbiz

KC kailangang magbawas ng timbang! ; Pagkamatay ni Baron, fake news!

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon
KC kailangang magbawas ng timbang! ; Pagkamatay ni Baron, fake news!

Seen: Nabuhay ang isyu na may problema sa pagsasama nina Sharon Cuneta at Senator Kiko Pangilinan dahil sa meeting nina Sharon at President Rodrigo Duterte. Alam ng buong Pilipinas na kontra si Kiko sa Duterte administration.

Scene: Fake news na pumanaw kahapon si Baron Geisler dahil buhay na buhay ang pasaway na aktor na nakakulong sa Angeles City. Ang bayaw ni Baron na si Michael Rodriguez ang nagsampa ng kaso laban sa kanya.

Seen: Kulang sa pansin at binaboy nina Aubrey Miles at Troy Montero ang The Farm sa San Benito, Lipa City ang major reaction sa mga nakakita ng nude photos nila na kuha sa naturang wellness farm.

Scene: Ang story conference at look test kahapon ng cast ng Abay Babes, ang pelikula nina Cristine Reyes, Na­talie Hart, Kylie Verzosa, Meg Imperial at Roxanne Barcelo.

Seen : Si Don Cuaresma ang direktor ng Abay Babes. Unang movie project ni Don sa Viva Films ang Abay Babes.

Scene: Chubby si KC Concepcion sa mga litrato niya na kuha sa launch ng kanyang jewelry line noong Martes. Dapat subukan ni KC na magbawas ng timbang at gawin niya na fitspiration ang kanyang nanay na si Sharon Cuneta.

Seen: Ang Facebook live ang bagong kinahihiligan ni Sharon Cuneta na may iba’t ibang Facebook account, gamit ang pangalan ng mga karakter niya sa kanyang old movies.

Scene: Ang plano ni Katarina Rodriguez na sumali sa Miss World Philippines 2018. Si Katarina ang Bb. Pilipinas Intercontinental winner at Miss Intercontinental 1st runner up noong nakaraang taon.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with