^

PSN Showbiz

Edu matagal bago napagbigyan si Coco!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon
Edu matagal bago napagbigyan si Coco!

Edu at Coco

Isa si Edu Manzano sa mga bagong karakter na napabilang sa teleseryeng FPJ’s Ang Probinsyano na pinagbibidahan ni Coco Martin.

Wala umanong naging problema kay Edu upang tanggapin ang kontrabida role na kanyang ginagawa ngayon sa serye. “Masama ako rito at siyempre ‘yon ang pinakamagandang role at saka maganda kasi ‘yung pagkakasulat ng script eh. Gusto kong gumawa ng at least one teleserye a year kung kakayanin,” pagbabahagi ni Edu.

Matagal-tagal na rin daw inaalok ni Coco ang aktor na mapasama sa programa pero may iba pang ginagawa noon si Edu kaya ngayon lamang niya ito napagbigyan. “Sa tinagal-tagal ko rito sa industriya, siguro lahat nakatrabaho ko na eh. Si Coco ngayon lang pero tuwing nagkikita kami, ‘Kuya Doods, trabaho na tayo.’ Pinag-uusapan namin kung kelan kami magkakatrabaho,” kuwento ng aktor.

Samantala, para kay Edu ay ibang-iba ang trabaho niya ngayon sa paggawa ng serye kumpara noong naghu-host pa siya ng mga game show. “Iba ang game show. Akala ng tao ganun-ganun lang pero napakahirap ng game show. Kasi una sa lahat, kailangang mag-build ka ng relationship do’n sa contestant at sa audience mo. Hindi katulad ng drama or fantasy, kasi napakaraming mga characters do’n eh. Dito, ikaw at ‘yung contestant.  Dati ang game show sa loob ng isang linggo may lima, na magkakaiba. So I think now mas nagiging mapili pagdating sa… kasi puro mga franchise na sa ibang bansa,” nakangiting pahayag ni Edu.  

Precious Lara hindi pa titigil sa bagani kahit hirap sa pagbubuntis

Limang taon na ang panganay na anak nina Precious Lara Quigaman at Marco Alcaraz na si Noah. Ngayon ay magtatatlong buwan nang buntis ang beauty queen-actress para sa pangalawa nilang anak ng aktor. “Magiging kuya na si Noah. Hopefully maging okay lang, maging okay ‘yung pregnancy. I am 11 weeks pregnant,” pagkukumpirma ni Precious Lara.

Nananabik na raw si Noah na maging kuya para sa nakababatang kapatid. “Sobrang excited na siya. Gusto na niya ng baby sister. Nagpa-practice na siya maging kuya,” kuwento ng aktres.

Ayon kay Precious Lara ay wala pa siyang mga pinaglilihiang pagkain sa ngayon. “Actually wala akong ganang kumain. Nahihirapan ako compared sa first one. Due siya in October,” pagtatapat niya. 

Abala ngayon ang aktres para sa taping ng teleseryeng Bagani na pinagbibidahan nina Liza Soberano at Enrique Gil. Hindi pa raw nahihirapan si Precious Lara sa taping ng kanilang programa kung saan siya ay gumaganap bilang nakatatandang kapatid ni Liza.

Ipinapanalangin naman ni Marco na kung papalarin ay maging babae na ang bagong ipinagbubuntis ng asawa. “Sobrang happy and we are praying na maging healthy siya,” maikling pahayag ni Marco.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with