^

PSN Showbiz

Tony walang planong ligawan si Kisses!

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon
Tony walang planong ligawan si Kisses!

Tony at Kisses

Sa isang pakikipag-usap sa baguhang aktor at miyembro ng Star Magic Circle 2018 na si Tony Labrusca, sinabi nito na hindi siya nanliligaw sa Pinoy Big Brother (PBB) alumna na si Kisses Delavin.

Pinagkakabit lamang ang kanilang mga pangalan dahil madalas silang magkasama. Of course, the  fans would like to think na may mas malalim pang relasyon na mabubuo sa kanila kaya ngayon pa lamang ay pinagsasa­bong na sila. Naiintindihan ni Tony na normal nang kalakaran sa local showbiz ang pagtambal-tambalin ang mga artista dahil mas madaling paraan ito para sila sumikat, pero sinabi pa rin niya na walang ligawan na nagaganap sa pagitan nila ni Kisses o kumpetisyon sa kanila ni Donny Pangilinan. Nagkataon lamang na pareho nilang makakatrabaho ni Donny ang dalaga kaya marahil nilalagyan ng label ang kanilang friendship.

Maymay at Edward hindi inaasa sa fans ang career

Bibilib ka naman sa magka-loveteam na Maymay Entrata at Edward Barber. Hindi nila ipinamamahala sa malaki at malalawak nilang following ang kapalaran ng kanilang karera.

Bagaman at malaki ang pasasalamat nila sa patuloy na pagdami ng kanilang taga-suporta, gumagawa sila ng paraan para mas mapalawak pa ang kanilang talento. Panay ang pag-aaral ni Edward para mas  maging matatas pa sa Tagalog at pareho silang magka-loveteam na mag-a-undergo ng workshop para mapagbuti pa ang kanilang pag-arte.

Si Maymay ay kinakarir din ang pagkanta. After her successful solo concert, maggi-guest siya sa concert ni Maja Salvador sa March 23.

JC at Yassi wanted sa mga adik sa Probinsyano

Galit na galit ang mga nanonood sa bahay ko ng FPJ’s Ang Probinsyano. ‘Yung mapalitan ng character ni JC Santos sa puso ni Yassi Pressman si Coco Martin ay sapat nang magpakulo ng dugo ng mga suki ng serye, pero ‘yung pag-isipan pa niya ng pananakit ito ay hindi na nila kakayanin.

Hintayin na lamang nina JC at Yassi ang  hindi magagandang komento at masasakit na salita na igagawad sa kanila sa socmed. Pero in all fairness sa mga nasa likod ng matagumpay na serye, puwede pa palang gawing mas kapana-panabik ang istorya kahit tumatakbo na ito ng mahigit sa dalawang taon.

Pasok sa bagong libro sina Edu Manzano, Alice Dixson, Mark Anthony Fernandez, Rowell Santiago, at Dawn Zulueta.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with