^

PSN Showbiz

Catriona susubukang lumusot sa Universe!

Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon
Catriona susubukang lumusot sa Universe!

Maraming nakatulog sa panonood ng Binibi­ning Pilipinas 2018 coronation the other night sa ABS-CBN.

Anong oras na kasi, hindi pa rin tapos.

Ang sabi, natagalan sa deliberation ng resulta kaya nagkaganoon. Live na rin daw itong umere.

Anyway, tulad nang ina­asahan, nanalo si former Miss World Philippines Cat­riona Gray ng Binibining Pilipinas-Universe crown. Sa umpisa pa lang ng pageant, inaasahan na ang panalo niya.

Siya rin ang nag-uwi ng maraming special awards.

Winner din siya at si Michele Gumabao na kinoronahang Miss Globe sa Q & A portion. Si Catriona ay natanong sa mensahe para sa kababaihan ng Marawi at ang volleyball superstar ay tungkol sa fake news. Marami na ang nag-aapela na sana ay mas major crown ang napanalunan ni Michele.

Pero ang isang contestant ay nagpaka-honest na pinaghandaan niya ang Q & A portion pero sadly wala raw siyang alam sa Build Build Build program ng Duterte administration na iniimplement ng Department of Public Works and Highways (DPWH). Obviously hindi siya nagbabasa ng current events.

Sinubukan pa siyang isalba ni Pia, pero waley talaga nang ipaulit ang tanong.

Anyway, agaw-eksena sa pagkapanalo ni Catriona ang suot niyang earrings/hairclip na design ng araw sa ating bandila. Naipakita nga ni Catriona sa nasabing accessories ang pagiging makabayan niya.

Boyfriend ni Catriona ang aspiring hunk actor na si Clint Bondad na alaga ng Viva Artists Agency. Nagkapelikula na si Clint, ang Girlfriend for Hire starring Yassi Pressman and Andre Paras.

Anyway, malalaman na ngayon kung susuwertihin na si Catriona sa Miss Universe 2018. May issue dati na dito sa bansa gustong ganapin ng organizer ang Miss Universe 2018. 

Hindi itinago noon ni Catriona ang disappointment nang umuwi siyang hindi dala ang korona sa Miss World 2016.

Samantala, first runner-up lang ang girlfriend ni Jason Abalos na si Vickie Rushton.

Nag-iba ang hitsura ng dating PBB housemate nang rumampa siya sa Binibini. Nagtatanungan tuloy kung meron siyang pinagawa.

Simone kinabiliban sa pinagdaanan

Suportado ng buong Davao Aguilas FC ang teammate nilang si Simone Rota at ibang member ng national football team na Azkals ang press screening ng docu film na Journey Man Find Home: The Simone Rota Story last week.

 Jury Prize for Documentary ng Sinag Ng Maynila 2018 ang kuwento ng Fil-Ita­lian football player na hindi pa rin nahahanap ang biological mother.

Lahat ng mga nakapanood na ng docu film ni Simone ay bumilib sa kanya. Sa naging attitude niya na kahit lumaki sa mag-asawang Italian na umampon sa kanya nung sanggol pa ay binalikan niya ang pinagkunan sa kanyang ampunan.

Destiny nga ang nagdala sa Pilipinas nang maging buhay ni Simone ang paglalaro ng football.

Hinanap siya Stallion Laguna FC hanggang maging member ng Azkals.

Pero hindi nawala sa isip niya ang tunay na ina at nakipag-usap sa mga madreng namamahala sa Buklod Kalinga para hanapin ito. Pero nagkaroon siya ng ACL (anterior cruciate ligament) tear sa kasagsagan ng career niya. Hindi siya sumuko. Ginamit niya ang panahon ng pagpapagaling para makasama ang mga bata sa pinanggalingan niyang ampunan. Meron pa ngang isang bata, si Chiara, na siya na ang kinilalang ama.

At doon niya isinabay ang paghahanap sa kanyang nanay, pero hanggang ngayon walang sign na makakapiling niya pa ito.

Matapos gumaling sa ACL ay nakabalik siya sa Azkals at ito na nga napapanood na ang pinagdaanan niya sa Journey Man Find Home na Graded A ng Cinema Evaluation Board (CEB).

Marami pang ibang highlights sa naging journey si Simone.

Ang isa sa mga director ng Journey Man Find Home: The Simone Rota Story na si Maricel Cariaga ang naging cameraman na rin sa nasabing docu film na nanalo ng Audience Choice Award at the 1st EPIFF (European Philippine International Film Festival) held in Florence, Italy. 

Magandang lumabas ang docu film. Nakaka-touch ang mga pangyayari sa buhay ng football player na ex-boyfriend ng former beauty queen na si Ariella Arida.

Ayon kay Ms. Maricel limang names na member ng Azkals ang ibinigay sa kanya ni Direk Albert Almendralejo. Pero nang i-search niya, si Simone ang nakita niyang pinaka-interesting ang buhay. Kaya sinimulan agad nila ang filming nito.

Sana nga ay marami pang makapanood ng buhay ni Simone na nahihiya pa rin nang tawagin para magpasalamat sa mga nanood last week.

Lakas maka-good vibes ng nasabing docu film bukod pa sa magandang gawing inspiration.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with