^

PSN Showbiz

Richard aminadong sumigaw habang naghU-host

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Richard aminadong  sumigaw habang naghU-host

May valid explanation ang mga nanood noong Linggo ng coronation ng Bb. Pilipinas 2018 sa Smart Araneta Coliseum tungkol sa pinuna na pasigaw na hosting ni Richard Gutierrez.

Hindi raw sumisigaw si Richard. Sadya raw na nilakasan ni Richard ang boses habang nagsasalita dahil sa sobrang ingay ng mga tao sa loob ng Big Dome. Kung hindi raw lalakasan ni Richard ang boses, hindi maiintindihan ng audience ang mga sinasabi niya.

Nabawasan lang ang ingay ng audience nang matsugi sa Top 15 ang mga kandidata na ipinanga­ngampanya nila. May explanation si Ruffa Gutierrez tungkol sa malakas na boses nina Richard at Pia Wurtz­­­bach. Pinanood ni Ruffa sa TV ang coronation night ng Bb. Pilipinas at nanood naman sa Smart Araneta Coliseum ang kanyang nanay na si Annabelle Rama.

“They have a break while judges are deliberating. He said mahina ‘yung audio. Pia & Chard can’t hear themselves speak so sometimes they need to raise their voices. Calling the audio people...Yoo-hoo!” ang kuwento ni Ruffa.

“Mom keeps screaming at me whenever I call her. Ang ingay daw sa Araneta.! Parang La Salle vs Ateneo Championship lang ang peg. Everyone’s screaming for their fave candidates,” ang another sharing in the city ni Ruffa na former beauty queen dahil siya ang Bb. Pilipinas-World winner noong 1993.

Sure ako na wala nang iingay pa nang lumaban si Ruffa sa Bb. Pilipinas noong 1993 dahil sa rami ng mga supporter niya. Sina Ruffa at Dindi Gallardo ang mga front-runner noon sa Bb. Pilipinas at pareho sila na nag-win ng major beauty titles.

Sikat na tambayan ng showbiz personalities noon pinanghihinayangan

Nine years old pa lang si Richard nang manalo na Bb. Pilipinas-World ang kanyang Ate Ruffa.

Ngayon, siya na ang host ng Bb. Pilipinas na malaki ang bahagi sa buhay ni Ruffa.

Bago siya naging representative sa Miss World noong 1993, si Ruffa ang 1992 Look of the Year Philippines.

Si Ruffa ang second princess sa Miss World 1993 na ginanap sa South Africa noong November 1993.

Nang bumalik si Ruffa sa Pilipinas, nagkaroon siya ng victory parade at sa Bistro Lorenzo ang reception.

Sikat na sikat noon ang Bistro Lorenzo sa Annapolis, Greenhills dahil ito ang favorite tambayan ng showbiz personalities. Dinarayo ng mga artista ang masarap na kare-kare ng restaurant ni Larry Cruz.

Sayang dahil nagsara ang Bistro Lorenzo na hindi puwedeng mawala sa kasaysayan ng local showbiz dahil sa rami ng mga nangyari sa nasabing restaurant.

Ang Bistro Lorenzo ang venue ng mga PAMI (Professional Artist Managers, Inc.) meeting, ng announcement ng official entries ng mga nakaraang Metro Manila Film Festival (MMFF) at ng mga presscon ng mga pelikula at television shows.

Catriona itutuloy ang unfinished business

Si Catriona Gray ang nag-win ng Miss Universe-Philippines crown noong Linggo.

Maging singer ang dream ni Catriona pero on hold muna ang pangarap niya dahil magiging busy siya sa kanyang mga responsibility bilang Miss Universe Philippines.

Paghahandaan din ni Catriona ang pagsali nito sa Miss Universe 2018 sa December.

Ngayong hawak niya ang korona ng Miss Universe Philippines, puwede nang sabihin ni Catriona na dahan-dahan nang nagkakaroon ng magandang resulta ang kanyang unfinished business.

Dinamdam ni Catriona ang pagkatalo niya noong 2016 sa Miss World at ito ang dahilan kaya nag-join siya sa Bb. Pilipinas.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with