^

PSN Showbiz

Catriona gusto raw sanang dayain sa Binibining Pilipinas?! ; Apat na gown na isinuot ni pia mukhang ordinaryo! ; Mariel hindi naitago ang sobrang timbang sa bla

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon
Catriona gusto raw sanang dayain sa Binibining Pilipinas?! ; Apat na gown na isinuot ni pia mukhang ordinaryo! ; Mariel hindi naitago ang sobrang timbang sa bla

SEEN: Kumalat noong Sunday night ang fake news na hindi si Catriona Gray ang mananalo ng Miss Universe Philippines 2018 title dahil iba ang kandidata na pinapaboran ng Bb. Pilipinas Charities, Inc. Hindi puwedeng dayain si Cat­riona dahil siya ang crowd favorite at winner ng karamihan sa mga special award.

SCENE: Kulang sa pansin ang mga ex-beauty queen na sina Bianca Manalo at Christi McGarry dahil panay ang tayo ng dalawa mula sa kanilang kinauupuan para sa selfie shots.

SEEN: Binigyan ng tribute sa 55th Bb. Pilipinas ang fashion designer na si Jose “Pitoy” Moreno na isa sa mga supporter ng naturang beauty pageant. Pumanaw si Pitoy noong January 15, 2018.

SCENE: Kulang sa star value si Inigo Pascual, ang kumanta sa long gown competition ng 55th Bb. Pilipinas. Hindi minana ni Inigo ang charisma ng kanyang ama na si Piolo Pascual.

SEEN: Parang bangag ang foreign male singer sa intermission number ng Bb. Pilipinas. Pinagtawanan at nilibak ang nameless na singer na tila wala sa sarili.

SCENE: “Chubby” si outgoing Bb. Pilipinas International Mariel de Leon sa black gown na ginamit niya sa coronation night ng Bb. Pilipinas 2018. Hindi naitago ng black gown ang unwanted pounds ni Mariel.

SEEN: Ipinakita ang mga litrato ng mga kandidata ng Bb. Pilipinas 2018 noong mga maliliit na bata pa sila kaya pansin na pansin sa before and after photos ang pagtangos ng ilong ng ilan sa mga contestant na Salamat Po Dok beauties.

SCENE: Masakit sa tenga ang squeaky voice ni Robi Domingo, ang host ng Road to the Crown, ang primer ng Bb. Pilipinas 2018.

SEEN: Nagpapansin sa Bb. Pilipinas 2018 ang self-proclaimed Catwalk King na si Sinon Loresca na ginagawa ang lahat para magkaroon uli ng career sa telebisyon. May sawa factor at passe na ang pagsusuot ni Sinon ng mga sapatos na matataas ang takong.

SCENE: Apat na beses na nagpalit ng damit si Pia Wurtzbach, ang co-host ni Richard Gutierrez sa Bb. Pilipinas 2018 pero ordinaryo sa panlasa ng mga nanood ang mga outfit ng ex-Miss Universe.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with