^

PSN Showbiz

Precious Lara hirap sa pagbubuntis ; After 35 years, Joey pinakasalan na ang partner!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon
Precious Lara hirap sa pagbubuntis ; After 35 years, Joey  pinakasalan na ang partner!

Prescious Lara, Joey at Ellen

PIK: Ang dating Miss International na si Precious Lara Quigaman ang inaba­ngan ng mga reporter sa nakaraang Binibi­ning Pilipinas noong Linggo ng gabi dahil nga sa balitang nagdadalangtao na ito. Bale panga­lawa na ito ni Lara kasunod ng 5-year-old son nila ni Marco Alcaraz na si Noah.

Sabi ni Lara, 11 weeks pregnant na siya at med­yo nahihirapan na raw sa pagbubuntis.

Masaya raw sila ni Marco, lalo na’t nakikita nilang gusto nang magkaroon ng baby sister ang panganay nilang si Noah. “Gusto talaga niya ng baby sister. Nagpa-practice na nga siyang maging kuya,” sabi ni Lara.

Wala naman daw siyang pinaglilihian sa ngayon, pero wala daw siyang ganang kumain, kaya medyo hirap siya sa pagbubuntis kumpara sa panganay niyang anak.

Nakausap na raw ni Lara ang mga taga-Bagani at kaya pa naman daw niyang mag-taping. Kaya tuloy pa rin siya roon. “Tuloy pa rin naman. Sobrang relaxed naman ‘yung taping namin eh,” sabi pa ng beauty queen/actress.

PAK: Napakasaya ng araw ni Joey de Leon kahapon dahil finally nagpakasal na sila ng kanyang long-time partner na si si Eileen Macapagal. Pinost ni Pauleen Luna sa kanyang Ins­tagram account ang naganap na kasalan.

Isang kaibigan ang nagbigay sa amin ng impormas­yong may naganap nga raw na kasalan sa Supreme Court kahapon, kaya nagtanung-tanong kami sa ilang malalapit niyang kaibigan. Napag-ala­man na­ming pagkatapos ng kasal ay itinuloy ang reception sa isang sosyal na hotel somewhere in Manila.

Masaya ang lahat na close friends ng veteran actor/TV host dahil finally, legal na ang kanilang pagsasama. Napansin na nga namin sa kanyang Instagram account na tinawag niyang “great wife” ang matagal na niyang partner.

Naghihintay lang kami ng tamang timing na ma­kausap siya para pag-usapan ang tungkol sa kasalan. Congratulations po at mabuhay ang mahigit tatlumpung taon niyang pagsasama!

BOOM: Nilinaw ni Iza Calzado na walang kinalaman sa Encantadia ang binubuo nilang movie pro­ject na pagsasamahan nilang mga Sang’gre na sina Sunshine Dizon, Karylle, at Diana Zubiri.

Dagdag na kuwento ni Iza, matagal na raw nilang napag-usapan ito, at ngayon lang daw nila na-finalize na bumuo ng sariling production na tinawag nilang Sanggre Productions.

Ayaw lang niyang magbigay ng detalye tungkol sa project pero si direk Mark Reyes nga raw ang magdidirek, at nag-aasikaso na rin ng produksyon. “Matagal na eh. Kasi you know…ang lakas ng following talaga ng Encantadia.     

“Since, we’re not in the same network, parang the logical thing to do talaga is to do movie together…project outside of the TV networks,” pahayag ni Iza sa ginanap na National Breakfast Day event ng McDonald’s sa isang branch nila sa Madison St., Greenhills kahapon ng umaga.

Napangiti naman siya nang sinundan namin ng tanong kung bahagi rin ba ang mga kapatid niyang Sanggre sa kasal nila ni Ben Wintle.

“Siyempre, nandun sila mga kapatid ko,” mabilis na sagot ng aktres.

Ayaw din muna niyang magbigay ng detalye tungkol sa kasal. Basta late this year daw at destination wedding daw ito.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with