^

PSN Showbiz

Pia nakasingit sa promo ng movie hanggang coronation night

SANGA-SANGANDILA - Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

May favoritism ba sa pakontes ng Binibining Pilipinas? Magaganda naman ‘yung mga nanalo, pero hindi lahat ay na­ka­sagot ng maayos sa Q&A portion. May isa pa na hindi alam ang sagot sa tanong, pero nakuha pa ang isa sa anim na major titles na ipina­migay.

Bago pa nagsimula ang pageant ay alam nang ma­na­nalo bilang Binibining Pilipinas-Universe si Catriona Gray na una nang nanalo bilang Miss World Philippines 2016. Napanalunan din niya ang Best in National Costume, Brand Ambassador Ever Billena, Jag Denim Queen, Best in Swimsuit, at Best in Long Gown.

Nag-iisang nag-provide ng musical entertainment si Inigo Pascual na sana ay nag-pormal ng kasuotan at well applauded judge si Gerald Anderson na tila sinadyang ginamit ang pagkakataon para makasabay sa paghu-host ni Pia Wurtzbach kasama si Richard Gutierrez. Kasalukuyang palabas ang The Perfect You movie ng dalawa kaya nai-promote pa ito ni Pia.

Miguel paliligayahin si Bianca sa Japan

Ang galante naman ni Miguel Tanfelix para regaluhan ng libreng biyahe papuntang Japan ang ka-loveteam niyang si Bianca Uma­li. Nag-celebrate ito ng kanyang 18th birthday at balak niyang samahan ito sa pamamasyal sa paborito niyang lugar sa Asya.

Napaka maginoo naman ng kabataang aktor na bigyan ng assurance ang lola ni Bianca na hindi silang dalawa lamang ang aalis, kasama nila ang road manager ni Bianca at dalawang bossing ng GMA Ar­tist Center.

Maja at Thai singer malakas ang dating

Mukhang nakakita ng isang magandang ka-duet si Maja Salvador sa katauhan ni ToR Saksit, isang sikat na Thai singer. Hindi lang maganda ‘yung kantang Falling Into You na ini-record nila, maganda rin ang music video nito. May chemistry sila and they ooze with sexiness.

Sana gawan din sila ng movie.

Direk Mark OA ang TF?!

Para namang hindi kapani-paniwala na hindi kinaya ng Regal Films ang malaking talent fee ni Mark Reyes para idirek sana ang gagawing movie nina Paolo Ballesteros at Solenn Heussaff na kasama rin sana si Mark Bautista, pero gahol ito sa panahon kaya hindi umubra.

Pinalitan si Mark Reyes ni Eric Quizon at si Mark Bautista ni Joem Bascon. Masyado bang malaki ang TF ni direk Mark kung kaya hindi ito na-afford ni Mother Lily Monteverde?

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with