^

PSN Showbiz

Liza at Rachel sanib-puweRsa sa pagpapaunlad ng movie industry

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Liza at Rachel sanib-puweRsa  sa pagpapaunlad ng movie industry

Dumalo sa Osaka Asian Film Festival 2018 sina Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chair Liza Diño at Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chair Rachel Arenas.

Si Liza ang nag-break noong Sabado ng good news tungkol sa victory ni Ryza Cenon, ang Yakushi Pearl Award winner.

Tuwang-tuwa si Liza sa success ng mga Pinoy sa film festival na dinaluhan nila.

Always supportive ang FDCP sa mga pelikulang Pilipino na isinasali sa mga international film festival at ngayon, may katuwang na si Liza dahil active rin si Mama Rachel sa pagtulong para lalong umunlad ang Philippine movie industry.

Hindi talaga nagkamali si President Rodrigo Duterte sa desisyon nito na ipagkatiwala kina Liza at Mama Rachel ang pamumuno sa FDCP at MTRCB, respectively.

Ryza international award ang nasungkit sa pinakaunang mainstream movie

Congratulations kay Ryza dahil winner siya sa Osaka Asian Film Festival 2018 para sa movie na Mr. & Mrs. Cruz.

Nanalo si Ryza dahil sa acting niya sa pelikula nila ni JC Santos. Ang The Idea First Company at ang Viva Films ang mga producer ng Mr .& Mrs. Cruz.

Hindi nasayang ang pagpunta ni Ryza sa Osaka dahil unforgettable ang karanasan niya. Hitting two birds with one stone ang nangyari dahil nakapagbakasyon sila ng kanyang boyfriend na si Cholo Barretto sa Japan, nag-win pa siya ng international acting award.

May balita na nag-ober da bakod na si Ryza sa ABS-CBN.

Kung kailan nanalo si Ryza ng acting award at napansin nang husto ang performance niya sa Ika-6 na Utos, saka naman napabalita na nag-babu na siya sa Kapuso Network.

Sure ako na malulungkot si Ryza sa panibagong chapter ng acting career nito dahil nagsimula sa GMA 7 ang showbiz journey niya nang sumali siya sa StarStruck noong 2004.

Si Ryza ang Ultimate Female Survivor at 16 years old pa lamang siya nang matupad ang dream niya na maging artista. Tumatanaw si Ryza ng utang na loob sa Kapuso Network dahil sa  malaking break at mga television assignment na ibinigay sa kanya.

Ang Mr. & Mrs. Cruz ang unang mainstream movie ni Ryza. Siguradong masusundan pa ang mga movie project niya sa Viva Films dahil contract star siya ng Viva Artists Agency.

Iza nauna nang nanalo sa Osaka

Kinikilala na ang husay ng mga Filipino actor sa Osaka dahil noong 2017, si Iza Calzado ang nanalo na Best Performer para sa Bliss.

Dahil sa tagumpay ng Bliss at Mr. & Mrs. Cruz, mag-expect tayo na lalong nabigyan ng inspirasyon ang Pinoy filmmakers na gumawa ng makabuluhan na pelikula na isasali nila sa Osaka Asian Film Festival at sa ibang mga international film festival.

James at Nadine hindi nilubayan ng fans

May mall show sa Fishermall sina James Reid at Nadine Lustre noong Sabado dahil nag-promote sila ng Never Not Love You, ang pelikula nila na showing sa mga sinehan sa March 31.

Siyempre, dinagsa ng fans ang mall show as in maaga pa lang, tumambay na sila sa Fishermall na dumagundong dahil sa malakas na tilian ng mga faney nang umakyat sa stage ang stars ng Never Not Love You.

Hindi talaga nagpaawat ang fans dahil hindi sila umalis sa mall hanggang hindi umaalis sina James at Nadine.

Pagkatapos ng mall show, dumiretso ang dalawa sa Expo Hall ng Fishermall para sa grand presscon ng Never Not Love You na matiyagang hinintay na matapos ng fans na nag-abang sa paglabas nina James at Nadine.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with