^

PSN Showbiz

James at Nadine urong ang dila sa sex! ; Mark naudlot kay Paolo!

PIK PAK BOO - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon
James at Nadine  urong ang dila sa sex! ; Mark naudlot kay Paolo!

PIK: Naging positibo naman ang pag-open ni Mark Bautista ng kanyang tunay na pagkatao dahil hindi naapektuhan ang career niya.

Naisisingit na lang sa hectic schedule niya ang book signing sa Trinoma at Glorietta. Pero may ­singing engagements siya out of town at kasama siya sa US concert tour ni Sarah Geronimo sa susunod na buwan kaya hindi niya magagawa ang isang pelikulang makakasama sana niya si Paolo Ballesteros.

May binubuong project ngayon ang Regal Films na may tentative title na Two Mommies tampok sina Paolo at Solenn Heussaff. Si Mark sana ang gaganap na lover ni Paolo, pero hindi nga raw kakayanin ng schedule niya dahil nasa Amerika ito. “Baka hindi lang talaga para sa akin yung pro­ject,” pakli ni Mark. Kaya ibinigay ang role kay Joem Bascon.

Si Eric Quizon ang magdidirek ng naturang project na dapat ay kay Mark Reyes, pero ang dinig namin hindi nila kinaya ang bonggang budget ng Kapuso direktor. Mabuti na ring si Eric na ang maging direktor dahil ito bale ang pagba­balik-directing niya na mala-Pusong Mamon na ginawa niya noon.

PAK: Mahigit three months preggy na pala si Lara Quigaman nang mag-judge sa Binibining Pilipinas kagabi.

As of presstime, wala pa siyang inilalabas na kumpirmasyon, pero reliable ang nagkuwento sa amin tungkol sa magandang balitang ito.

Ayaw lang daw munang magsalita pa ni Lara dahil gusto niyang kausapin ang production staff ng Bagani dahil kasisimula pa lamang nito.

Mukhang made in Amanpulo, Palawan ang ipinagbubuntis niya kung saan kasali sila ni Marco Alcaraz sa isang event doon kasama ang iba pang kilalang showbiz couples.

BOOM: Tuwang-tuwa ang fans ng Team Real nina James Reid at Nadine Lustre sa mall show nila na ginanap sa ­Fi­sher Mall noong nakaraang Sabado, March 17 ng hapon.

Bahagi ito ng promo ng pelikula nilang Never Not Love You na magsu-showing na sa March 31.

Lalong lumakas ang tilian nang sinabi ni James na may mga kissing scenes sila. Sabi naman ni Nadine, “Yung kissing scenes lang yata ang inaabangan nyo eh.”

Medyo daring na nga ang role na gagampanan ng JaDine sa pelikula, dahil tingin nila kailangang mag-level up na ang kanilang loveteam. Mukhang sinubukan nga nila kung handa na ang fans sa ganito ka-daring na tema ng pelikula nina James at Nadine.

“Very daring,” sabi ni James.

“Matapang,” pakli naman ni Nadine.

Dagdag na pahayag ni Nadine, “This is not the typical romcom. It’s something different, something more dange­rous I guess.

  “It’s something that’s more real, something that’s more raw and more true to life for us. I believe, ‘yung mga generation now, they’re more open-minded about a lot of things, and they’re starting to embrace what’s happening now, at kung ano’ng mga bago. Mas fearless na po kasi sila ngayon eh.”

Daring nga ang tema ng pelikula, kaya matapang uli ang sagot ni Nadine tungkol sa isyu ng live in.

Pahayag ng Kapamilya young actress, “Ho­nestly, it’s not really an issue.

“As long as you’re both secured and everything is working for you, fine. It shouldn’t be an issue at all.

“If it’s affecting you in a bad way, then you should stop. But if you’re good in it, why not, di ba? If that’s what they want, and they’re not stepping on anyone’s toes, then why should it be bad?”

Simple lang ang sagot ni James sa isyu ng live in, “it’s fun!”

Pero sa isa pa naming tanong na kung maha­laga ba ang sex sa relasyon ng mga millennials, ay hindi na nila ito sinagot.

“It’s a sensitive question,” sabi ni Nadine.

“Pass!” sagot naman ni James.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with